IT'S BEEN a busy day with Ice since the day she came back on her company. Simula ng makabalik sya sa kompanya ay ginawa nyang busy ang sarili para lang hindi maalala ang binata. Ayaw nyang isipin ito.
Ilang araw na din nya itong hindi nakikita dahil gabi na sya kung umuuwi at minsan hindi na sya umuuwi. Iniiwasan nya ang binata. Iniiwasan nyang makita ito kasama si Ashley. Ayaw na nyang dagdagan ang sakit na naramdaman nya nong nakita nya itong hinalikan ng dalaga.
That picture suddenly appear on her mind. She let out a loud breath and look at the view outside her office. May parte ng puso nya na gustong puntahan ang binata saka makipag-usap dito, but her pride are eating her.
Kahit na gusto nyang puntahan ang binata para kausapin ay kinakain naman sya ng pride nya. Her mind are telling that she won't do that. Sya, isang CEO ng Finn Corp. ay makikipag-usap sa isang singer lang para makipag-ayos. No way. She feel down when she's imagining that.
Pero nasasaktan naman sya kapag dumadaan pa ang ilang oras na hindi nakakausap o nakikita ang binata. Nahilot nya ang noo. Litong-lito na sya. Hindi nya alam kung ano ang susundin ang sinasabi ng utak nya o ang isinisigaw ng puso nya.
Napatigil sya sa pag-iisip ng marinig ang ringtone ng phone nya. It was Aiden who is calling her.
"What's up man?" Bungad nya ng masagot ang tawag nito.
"Anong 'what's up man'?" Bigla nyang nailayo sa tenga ang cellphone ng bigla itong sumigaw. "Concert ngayong gabi ng JFY."
Napatingin sya sa laptop nya kung saan trending ngayon ang magaganap na concert ng boy group.
"Ow." Yon lang ang tanging nasabi nya. She nearly forget.
"Anong ow? Pumunta ka na dito."
"I won't."
"Anong I won't? Hindi ba ikaw ang pansamantala nilang manager? Pwede bang mag-concert sila na wala ang manager nila?"
"Pwede." Napabuntong-hininga sya. "And besides, hindi na ako ang manager nila. May bago na silang manager, hindi mo ba alam?"
"Ow, that Ashely?"
"Yeah." Walang gana nyang sagot.
"Tsk! Just come here now Ice Finn or else."
Napakunot na napatingin sya sa cellphone? Or else what? Napailing sya saka tumayo para umalis. Wala namang mawawala sa kanya kung pupunta sya. Baka ito na ang huli na makikita nya ang binata, so bear with it.
MARAMI na ang tao na nakapila sa labas at paunti-unting pumasok sa arena. May mga babaeng nagkukwentohan at kinikilig pa habang pinag-uusapan ang mga lalaki. Sobrang sikat talaga ng mga ito lalo na sa mga babae.
"Boss." Napatingin sya sa tumawag sa kanya. Napataas kilay ng makita ang sekretaryo nyang si Art. "Hindi ko alam na fans ka din pala ng banda." Biro nya dito ng makalapit ito sa kanya.
Napakamot ito sa batok. "Parang ganon na nga boss. Haha anyway, ihahatid kita sa upuan mo."
Hindi na sya nagsalita pa at sinundan ito. Nagtaka sya ng iginaya sya nito sa VIP seat pero hindi na sya nagtanong pa at umupo na.
Isang oras ang hininhintay nya bago tuloyang nagsimula ang concert ng JFY. Ni minuto ay hindi sya nabagot sa performance ng mga ito.
Habang nanunood sya ay hindi nya maiwasan na maging proud sa mga ito. Napakagaling kasi nito mag-perform, bigay na bigay sa bawat number na binibigay. Parang hindi napapagod twing ngumingiti sa mga fans.
Ngayon naiintindihan na nya kung bakit ganon nalang kagusto ni Cray na gumaling agad sa pagkaka-sprain. Nakikita nya ang saya sa mukha nito habang kumanta, ang kislap sa mga mata habang sumasayaw. Napapangiti sya sa twing napapangiti ang binata.
BINABASA MO ANG
Idol Series 1: Cray Sandoval
Teen FictionCRAY SANDOVAL ay isang mahusay na mang-aawit ng grupong 'JUST FOR YOU'. Sikat ang grupo nila at talaga namang pinagkakagulohan ng mga kababaihan. Maliban sa gwapo ito, sikat, mabait, masayahin ay may maganda at sexy itong boses. May katawan na maipa...