Chapter 8

251 10 3
                                    

NAPAKUNOT-NOO si Ice ng makarinig ng ingay mula sa kusina. Naisip nya na naunahan na naman sya ni Kaiden sa pagluto ng agahan. Mukhang gusto talaga ng binata na ito ang magluto ng agahan nila.

Pero aaminin nya na sobrang sarap magluto ni Kaiden. Ideal man na ang binata para sa lahat ng babae. Gwapo, mabait, at magaling magluto, tipid nga lang kung ngumiti.

Pero syempre kahit ganon ang tingin nya kay Kaiden ay hindi nya parin ipagpapalit si Cray. Mabait, masayahin, gwapo, at malambing, hindi nga lang nya alam kung masarap ito magluto. But she doesn't care, ang importante ay gusto nya ang binata.

"Good morning Miho." Laking gulat nya ng makita si Cray na naghahain ng pagkain sa mesa. Hindi sya nakapagsalita at napatitig lang sa binata. "Breakfast is ready." Masaya nitong turo sa pagkain.

Ngumiti sya kay Cray ng makabawi sya sa pagkabigla. "Oh, good morning too." Lumapit sya sa mesa saka tiningnan ang mga pagkain. "So, you cooked?"

"Yeah, pero hindi kasing galing ni Kaiden." Nahihiya itong napakamot sa kilay.

Napangiti sya sa ka-cutan nito. "At least you can. Sayang nga lang hindi ko matitikman ang luto mo."

"Bakit naman?"

"Well you see, I don't eat breakfast."

Bigla itong nalungkot. "Sayang naman. Maaga pa naman ako gumising para lang magluto." Mas sumimangot pa ito. "Kahit hindi ito kasing-sarap ng luto ni Kaiden, pwede parin naman itong makain."

Bigla syang nakonsensya dahil sa malungkot nitong mukha. Napabuga ng hangin si Cray saka pilit na ngumiti sa kanya.

"Pero okay lang. Hindi kita pipilitin sa mga bagay na ayaw mo."

Parang may humaplos sa puso nya dahil sa sinabi nito. Wala sa sariling napangiti sya, isa sa mga ugali ng tao ang gusto nya ay ang ugali nito na ayaw syang pilitin sa ayaw nya. At ang ugaling 'yon ay nasa binata.

Umupo sya sa upuan ng nakangiti saka kumuha ng pagkain na niluto ng binata. Gulat na napatingin sa kanya ito.

"Hmm, it's taste good." Komento nya habang tumatango-tango.

"I... I thought you don't eat breakfast." Hindi makapaniwala nitong sabi.

Kinuha nya ang table napkin saka pinunasan ang gilid ng bibig nya. "Yeah, that's true. Pero dahil luto mo naman ay kakain ako."

"You don't have to Miho." Napakunot-noo sya saka nagtatakang tiningnan ang binata. Bumuntong-hininga ito. "Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo na kumain kung ayaw mo talaga. Honestly, its hurt me pero hindi ko naman pwede na ipilit ang ayaw mo."

Nawala ang pagtataka nya saka masuyong ngumiti sa binata. "I know. You don't need to worry, hindi naman ako napipilitan na kumain ng agahan. In fact, kanina iniisip ko kung nagluluto ka kaya. And here now," tinuro nito ang mga niluto nito. "I wouldn't missed for the world."

Napanguso ito. "Kanina sabi mo sayang lang ang mga niluto ko kasi hindi ka naman kumakain ng agahan."

"I'm just kidding." Napahawak sya sa baba nya. "Pero mas masarap kumain kapag may kasamang kape."

Naging masigla ang kaninang malungkot na mukha ng binata. Napailing nalang sya. Kahit kailan ang baba lang ng kaligayahan nito. Sa simpleng pagkain nya lang sa niluto nito ay masaya na ito. Kapag masaya ang binata ay masaya na din sya.

"Here you go." Inilipag nito ang tasa na may kape. "For my girl."

Gulat syang napatingin sa binata dahil sa sinabi nito. My girl talaga, hindi pa nga sila. Napailing nalang sya. Mukhang sya lang naman ang nakapansin sa sinabi nito dahil ang binata ay umupo sa kaharap nyang upuan na malapad ang ngiti.

"Ang aga, ang dami ng langgam ah."

Napatingin sya sa entrada ng dining area habang subo-subo parin ang kutsara sa bibig nya.

"Oh, good morning." Bati nya sa apat na nakangising nakatingin sa kanilang dalawa ni Cray.

"Good morning din Ice." Nagningning ang mga mata ni Asher ng makita ang mga pagkain sa mesa. "Wow, ang daming pagkain."

Napailing sya ng umupo agad ito saka nagsandok ng pagkain. Ang siba talaga nito sa pagkain.

"Himala nagluto si Cray." Napanguso ang binata sa sinabi ni Kaiden na tinawanan lang ng ni Archer at Jace.

Umupo na din ang tatlo. Napakunot-noo syang napatingin sa tatlo ng maramdaman nyang may nakatingin sa kanya. Tiningnan nya ang mga ito ng nagtatanong ng palipat-lipat ito ng tingin sa kanila ni Cray.

Napalabi si Jace. "Kayo na ba?" Tumawa ito ng malakas ng mamula ang mukha ni Cray. Siniko nito sa tagiliran si Cray. "Wow Cray, parang ikaw itong babae ah. Ikaw pa itong namula."

Napalabi sya para pigilan na matawa. Hanggang ngayon ay hindi parin sya makapaniwala na ang daling pamulahan ng mukha ni Cray. Para na din syang kinikilig kapag kinikilig din ito.

"Tigilan mo nga ako Jace. Palaging ako ang nakikita mo ah." Tumikhim ito. "Anyway, hindi pa kami pero pumayag na sya na ligawan ko sya."

"Naks! Nabibinata na ang Cray natin ah." Napailing sya ng tumayo ang tatlo saka pinagpapalo ang binata habang si Asher naman ay walang pakiaalam sa paligid. Kain parin ng kain.

"Aray! Tama na nga. Masakit na."

Napailing sya. Napakulit talaga ng mga ito. May pagkaisip-bata.

"That's enough. Kumain na kayo, aalis na tayo pagkatapos nyong kumain." Naiiling na sabi nya saka nagpatuloy sa pagkain.

NAG-IINSAYO ang limang kalalakihan habang sya naman ay nakaharap sa laptop nya habang binabasa ang mga reports na pinasa sa kanya ng sekretaryo nya. Napabuntong-hininga sya saka napatingin kay Cray na sumasayaw.

Parang ayaw nyang umalis. Nalulungkot sya kapag naiisip nyang aalis sya at maiiwan nya ang binata. Hindi nya alam kung bakit ayaw nyang maiwan ito. Pero sisigurdohin naman nya na hindi sya magtatagal doon.

Ibinalik nya ang tingin sa laptop saka sinimulan ang pagbabasa. Tinawagan nya ang private investigator na inutusan nya para imbestigahan ang nangyari sa perang nawawala sa kompanya nya.

Napahilot sya sa leeg nya at minasahe ng maramdaman ang pangangalay. Tinanggal nya ang reading glass saka bumuntong-hininga.

Napatingin sya sa stage ng may kalabog syang narinig at biglang bumilis ang tibok ng puso nya ng marinig ang pangalan ng binata.

"Cray!"

Idol Series 1: Cray SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon