Chapter 4

362 10 1
                                    

PABAGSAK na umupo sina Cray sa upuan ng van. Pagod sila at gutom pa. Lagpas alas-nuwebe na sila natapos sa rehearsal nila. Napapikit si Cray sa sobrang pagod. Gusto na nyang mahiga sa kama at matulog ng mahimbing.

"Nakakapagod!" Jace exclaimed.

"Nakakagutom." Nakangusong saad si Asher.

"I want to sleep." Saad naman ni Archer.

Habang ang katabi naman nyang si Kaiden ay tahimik lang. Sa grupo nila, ito ang pinakatahimik. Napamulat sya ng bumukas at sumara ang pinto ng front seat.

Nakita nya si Ice na nagtitipa ng cellphone nito. Napaisip naman sya. Sino naman kaya ang ka-text nito. Si Zaver kaya na kinatagpo nito noong nakaraang gabi. Gustong-gusto tuloy nyang makita ang lalaking 'yon. Gusto nyang malaman kung sino sa kanila ang mas gwapo. Pero syempre, para sa kanya ay mas gwapo sya.

"Gutom na ba kayo?" Tanong ni Ice na nasa cellphone parin ang atensyon.

Ni ayaw kaming lingunin. Ganon ba ka-importante ang ka-text nya para hindi kami lingunin.

Nagdadabog na sabi nya sa isip. Ipinikit nalang nya ang mga mata para hindi mainis sa nakikita.

"Super! I think I'm going to die on starving." Napairap sya sa isip dahil sa sinabi ni Asher.

Sa kanilang lahat ay ito talaga ang pinakamatakaw. Narinig nyang natawa si Archer.

"Breaking news of the day. Isang idol namatay dahil sa gutom. Pinapangalanang Asher Moore."

"Yeah right. Funny Arc. Funny."

"Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong mga bata." Saway ni Kaiden sa mga ito.

Mahina ang mga boses na nagbangayan sina Asher at Archer.

"Dadaan lang tayo sa The Palace para kumuha ng pagkain then uuwi na tayo." Narinig nyang sabi ni Ice.

"Okay!" Sabay na sagot ng apat habang sya ay hindi sumagot.

Wala sya sa mood para makisagot. Naramdaman nyang umandar ang sasakyan kaya mas isinandal pa nya ang sarili sa upuan. Pagod ang katawan nya at gusto na nyang magpahinga dahil bukas ay balik insayo na naman sila.

Napadilat sya ng tumigil ang sasakyan saka bumukas ang pinto na nasa gilid nya. Bumungad sa kanya ang mga crew ng restaurant. Alam nya dahil sa suot nitong uniform. May dala itong limang paper bag na alam nyang pagkain.

Si Asher agad ang kumuha nito at tinulongan ito ni Jace.

"Foods." Masigla nitong sabi ng silipin ang loob ng paper bag. "Salamat."

"Walang anoman sir. Enjoy your foods."

Habang nilalagay ng lalaki ang ibang paper bag sa sasakyan ay napatingin sya sa harap nya. May lalaking nakadungaw doon. Hindi nya maitatanggi na may itsura ito pero alam nya sa sarili nya na mas gwapo sya. Syempre, sabi ng mommy nya.

"You haven't eaten dinner yet?" Tanong nito kay Ice.

"Nah. Katatapos lang ng rehearsal nila."

Nanliit ang mga mata nyang maliit na dahil kinausap ito ni Ice  habang wala sa ibang bagay ang atensyon. Samantalang kapag sila ang kinakausap ay hindi ito tumitingin sa kanila. Nagtatampo na sya dito.

Sinamaan nya ng tingin ang binata na kausap ni Ice ng tumingin ito sa kanya pero nginitian lang sya nito ng nakakaloko.

Aba'y loko 'to ah!

Idol Series 1: Cray SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon