THE WRONG MR. RIGHT
BY RJ NUEVAS (Creator of VILLA QUINTANA, ANNAKARENINA & Creative Head For GMA-7’s Primetime Shows like ANG DALAWANG MRS. REAL, NIÑO & MY DESTINY)
CHAPTER ONE
How do you find Mr. Right? And where?
Ang tagal ko nang hinahanap si Mr. Right. Sa lugar namin, sa mga malls, sa school, panay ang linga ko, nagbabakasakaling makita ang lalaking magdagundong sa pretty little heart ko, but I haven’t seen him yet. Sa facebook, panay ang add ko ng mga friends, but each time I check, wala akong mataypan. Puro selfies, pero chacka naman.
Alam ko, I’m not that pretty, pero wala namang masamang maghanap ng guwapong Mr. Right, di ba? Saka, I’m pretty enough na rin naman. Maganda ang mga mata ko, medyo matangos ang ilong ko, may tungkil nga lang sa dulo, at ang lips ko, mapula. Kahit walang lipstick. Lalo na kapag kiakagat-kagat ko ang lips ko nervously kapag hindi ko masagot ang tanong ni Mr. Padilla sa Geometry. Hindi naman ako bobo pero hirap talaga ako sa math. Ewan. Bakit ba kasi inimbento ang math?! Dapat ang iniimbento lang ay ang tulad ng electricity, na natuklasan ni Benjamin Franklin. At least yun, may pakinabang. Ang geometry, susme, ano naman ang pakinabang ko diyan, no?
Ayan, lumilipad na naman ang isip ko. Ang topic nga pala ay si Mr. Right at kung paano siya hahanapin. I’m really desperate na. Ayokong tumandang dalaga! Ayokong grumadweyt ng high school nang walang boyfriend!
Yes, high school pa lang ako. Pero feeling ko, old maid na ako. Kasi naman, may pact kami ng friends ko noong elementary kami na dapat, pag highschool na, may boyfriend na. Siyempre, pag elementary, dapat walang boyfriend, kundi ang labas mo no’n, malandi. Kaya usapan namin, hich school talaga.
And true enough, nagkaboyfriend agad si Karen noong first year. Maski noong second year. Maski third at ngayong fourth year, meron siyang boyfriend. Nakaapat na siya. One boyfriend each year. Ewan ko kung anong quota ang hinahabol nitong si Karen. Sabagay, maganda si Karen. At malaki ang boobs. Ewan ko ba sa mga boys, naduduling sa boobs.
E, ako, flat chested!
At fairness kay Karen, virgin pa rin siya hanggang ngayon (sabi niya). Okay lang daw na pagchismisan siya na playgirl, as long as she knows the truth na she’s as pure as the snow. Kahit walang snow sa Philippines! Makapagbitaw lang ng idiomatic expression.
Isa pa naming friend na kasama naming ni Karen na nagsumpaan, at may boyfriend na rin, ay si Ramil. Yes, si Ramil. Lalaki si Ramil, or bading or gay. Pero daig pa niya ako, dahil nagka-boyfriend na siya. Hindi naman taun-taon. Matalino kasi si Ramil. Lalo na sa Math. At mahilig siyang magpakopya during tests. Lalo na sa boys. Kaya ang boys, natutuwa sa kanya. At nagiging boyfriend niya. In fairness, hindi kiss and tell si Ramil. Secret ang names ng mga nagiging boyfriends niya. Kaya the boys feel safe.
Kaya minsan, takot din akong tumingin ng Mr Right sa school, baka dumaan na kay Ramil.
Yuck!!!
But nevertheless, naiinggit ako sa kanya. Sa kanila ni Karen. Dahil nga may boyfriend na sila. Ako wala pa! Gusto ko nang magkaboyfriend bago ang graduation namin!
Mr. Right, where are you???
* * * * *
“Welcome! There you are! Kanina pa kita hinahanap!”
That’s Karen! Yung friend kong malaki ang boobs…pero may kaliitan ang utak…pero malaki rin naman ang puso. Mabait itong si Karen. At generous. Siya ang nagpapahiram sa akin minsan ng blouse, o ng skirt, o ng shoes. Mayaman kasi sila e. Kami, hindi gano’n kayaman. Sige na nga, mahirap lang kami.
At ang tinawag niyang Welcome? Ako yon.
Yes, welcome ang nickname ko. Ipinanganak kasi ako sa Welcome Rotonda. Hindi na kasi umabot ang nanay ko sa U.S.T. Hospital. Kaya ayun, ang tawag sa akin ng mga neighbors noong lumalaki ako ay Welcome. May true name is Carmela. Kaya kung minsan, ang tawag sa akin ay Wel-Carm. Noong maliit ako, hate na hate ko ang nickname ko, pero ngayon, okay na rin. Unique.
Tuwing may sinasabihan ako ng “thank you,” sasagot iyon ng Welcome. Sasabihin ko, yes, that’s my name. Magtatawanan ang lahat.Ewan ko lang kung ang nickname ko ang obstacle sa paghahanap ko kay Mr Right. Magugustuhan kaya ni Mr. Right ang nickname ko?
“O, bakit?” tanong ko kay Karen nang tumabi siya sa akin sa canteen.
“Nood tayo ng sine,” yaya niya. “Palabas na ang Guardians of the Galaxy. Maganda raw.” Yan si Karen, mahilig maglakwatsa. Laman ng mall.
“May class pa tayo, no?” At yan naman ako, mahilig sumunod sa rules. Kapag bawal, ayoko.
“Boring naman ang physics, e. Saka first day pa lang naman ng class. Wala pang ituturo yan.”
“I know. Hindi ko nga naiintindihan e. Pero ayokong umabsent. Katakot. Nagpapakahirap ang parents natin para makapag-aral tayo tapos sasayangin natin.”
“Ay, may kausap pala akong madre! Kaya ka hindi nagkakaboyfriend, masyado kang straight. Paano mo makikita ang Mr Right mo kung dito ka lang sa school. Wala namang cute boys dito.”
“A, basta ayoko. Kung gusto mo, after class. Sasamahan kita. Basta ilibre mo ako,” nakangiti kong pahabol.
“Sige na nga. Isama na rin natin si Ramil para mas masaya.”
* * * * *
Masaya talagang kasama si Ramil. Kasi mahilig siyang mantrip ng mga taong hindi niya kilala. For example, nung bumibili kami ng ticket for the movie sa Trinoma Cinema, sumenyas-senyas siya sa takilyera, as if pipi siya. Yung girl naman, akala pipi siya talaga, panay din ang senyas. Itinuro niya ang movie. Itinuro niya kami at ang sarili niya sabay senyas ng tatlo. Naintindihan siya ng takilyera, binigyan siya ng tatlong ticket. Saka nagsabi si Ramil ng “thank you.”
Windang ang takilyera. Nagtatawanan kaming umalis. Natawa na lang din si Miss ticketer.
“Grabe ka, Ramil! May pinagtripan ka na naman!” Ako yon. Siyempre, basag-trip.
“Pinasaya ko lang naman si Ate. Ang boring kaya ng buhay nila. Kita mo, natawa na lang din siya. Pag-uwi niya sa bahay, ikukuwento niya yan kung kani-kanino. Event na sa buhay niya yon today no?”
May katwiran naman ang bakla!
Masaya ring kasama sa panonood si Ramil dahil malakas tumawa. At kakaiba ang tawa niya, parang pusang hindi mapaanak sa bubong. Kaya mas marami ang tawa namin dahil pinagtatawanan na naming ang movie, pinagtatawanan pa naming ang tawa ni Ramil.
Pero ang tawa niyang iyon ang pagsisimulan ng trouble namin.
At noon ko nakita si Mr. Right.
Sino si Mr. Right? Siya yung nakaupo sa likod ni Ramil na sa sobrang inis ay tumayo at binatukan si Ramil. Sabay alis.
Pero nakita ko ang mukha niya.
Guwapo siya.
At dumagundong ang aking pretty little heart!
BINABASA MO ANG
THE WRONG MR. RIGHT By RJ NUEVAS
RomanceTHE WRONG MR RIGHT By rj nuevas They say, looking for Mr Right is hard. But not for Welcome (the girl na ipinanganak sa Welcome Rotonda)! Nakita niya, nakabunggo niya si Mr Right. Doon nagsimula ang kanilang closeness. Pero hanggang tingin lang ang...