CHAPTER 18

1K 27 3
                                    

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER EIGHTEEN

Ano’ng ginagawa ng Edge na ito rito? Hinihintay ako?

Here goes my presumida self again. Siyempre si Ward ang hinihintay ni Edge, no? Kaya diretso ako ng lakad.

            “Welcome…”

            Siya yon. Tinawag ako. Pero hindi ko pinansin.

            Sinundan niya ako. “Welcome…” tawag niya ulit sa akin.

            Pero dinedma ko pa rin siya.

            “Ano ba? Kinakausap ka, e.” May halo nang pagkainis ang boses niya.

            Doon na ako hindi nakatiis. Hinarap ko siya. Dinuro. “Wala akong planong kausapin ka no?”

            Natawa lang siya.

            Lalo akong napikon. “Nang-aasar ka ba?”

            “Sabi mo, hindi mo ako kakausapin but here you are, talking to me,” natatawa pa rin niyang sabi. Na may halong pang-iinis.

            Oo nga, no? Naisahan ako ng kolokoy na ito, ah.

            Talikuran ko nga. Sabay lakad.

            Pero habol pa rin siya. Hinawakan ako sa braso.

            “Hintay sabi, e. Let’s talk,” sabi niya, a bit firmly. “I came here to apologize.”

            Nagulat ako. Itong kolokoy na ito? Si Bad Boy? Si Mr Wrong, mag-aapologize sa akin?

            Nagulat ako. But again, sandali lang.

            “Aba, bakit biglang nagbago ang isip mo? Sinabi sa akin ni Ward na ayaw mo raw mag-apologize. At okay lang sa akin. Dahil ang mga assholes, hindi talaga naga-apologize. Dahil ang mga assholes, makakapal ang mukha. And in my vocabulary, you are an asshole!”

            Siya ang walang nasabi. O, loko!

            “At sabi ko rin kay Ward, kahit lumuhod ka sa harap ko, I won’t forgive you. Dahil mayabang ka. You’re rude and arrogant.”

            Nakatingin lang siya sa akin. Hindi nagsasalita. Pero halata kong naiinis siya. Nagpipigil lang. Ngayon lang siguro siya nakakita ng babaeng palaban. Puwes, ipapakita ko talaga na matapang ako, no?

            Hinila ko ang braso ko na hawak pa rin niya. Sabay talikod. Sabay lakad. Sabay tawid ng kalye.

            At hindi ko nakita ang kotseng papalapit sa akin.

            Aaaaay!

            Kung sa movie ito or sa tv, bigla siyang pupunta sa akin at ililigtas ako at siya ang masasagasaan tapos mapapatawad ko na siya. Yun ang iniisip n’yo no?

            But this is not a movie nor a soap opera. Hindi niya ako iniligtas. Nakatayo lang siya sa gilid ng kalye. Or sige na nga, may attempt siya na lumapit.

            Pero no need, dahil nakaatras agad ako. Kaya hindi ako nahagip ng matuling kotse. I’m not a damsel in distress, no? Kaya ko ang sarili ko.

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon