CHAPTER 20

1K 29 7
                                    

THE WRONG MR RIGHT

by rj Nuevas

 

CHAPTER TWENTY

Tama ba ang narinig ko? Sinabi ni Bad Boy…ni Edge…na I’m beautiful? In tagalog, maganda ako? Binobola ba ako ng kolokoy na ito? Na porke iniligtas niya ako, puwede na niya akong bola-bolahin?

            Pero bigla siyang bumawi, umiwas ng tingin at sinabi: “Forget what I’ve said,” sabay kumpas ng kamay. “Let’s go,” sabi niya sabay tayo.

            Noon lumapit ang isang girl mula sa kabilang table. Tumingin kay Edge, nakangiti. “Excuse me. I’m Janelle and my friends are daring me na makipagkilala sa iyo.” Itinuro pa ng girl ang mga kasamahang naghahagikhikan.

            Tinitigan lang ni Edge ang girl na lumapit sa amin, saka tumingin din siya sa mga kaibigan nito. Lalong naghagikhikan ang mga iyon. Napailing na lang si Edge, saka tumingin sa akin. Hinawakan ako sa elbow at inilayo na ako roon. “Let’s go.”

            Shocked ako. Napaka-isnabero naman nitong si Edge. Bad boy talaga. Napahiya tuloy ang girl. Kitang-kita ko ang hurt sa mukha niya. It takes a lot of guts para lumapit sa isang stranger para magpakilala. At usually, ang guy, papayag makikipagkilala. Mapa-flatter pa nga. Afterall, maganda rin naman ang girl. Para tuloy itong binuhusan ng tubig na bumalik sa mga friends niya. Honestly, naawa ako.

            “Bakit mo naman ipinahiya yung girl?” tanong ko kay Edge nang makalabas na kami ng Starbucks.

            “She brought it upon herself,” sabi ni Edge. “Ang girl, hindi dapat lumalapit sa guys na hindi nila kilala.”

            “Why not? Nakikipagkaibigan lang naman yung girl,” buwelta ko. “At dinare lang siya ng mga friends niya.”

            “For me, ang guy dapat ang lumapit sa girls para makipagkilala.”

            “Napaka-old fashioned mo naman. Digital age na tayo. Kung ang guy, puwedeng makipagkilala sa girls na hindi kakilala, why can’t a girl do it?” buwelta ko.

            “Yes, I’m old fashioned. What’s wrong with that?” Tumingin siya sa akin. “Ikaw, will you do it? Lalapit ka ba sa isang guy and will introduce yourself?”

            Napaisip ako. Then, napailing. “No.”

            “Good for you. You don’t really know kung ano ang character ng taong nilalapitan mo. For example, yung girl na iyon, nakipagkilala sa akin. Tapos gago pala ako. Rapist pala. Paano na?”

            Yun din naman ang fear ko kaya hindi ako basta-basta lumalapit sa isang guy para makipakilala. Napangiti ako, nanghahalik lang, biro ko sa sarili ko.

            Napatingin ulit sa akin si Edge.

            “Nanghahalik ka nga lang nang hindi mo kilala,” nakangiting sabi ni Edge.

            Lokong ito ah. Parang nabasa ang isip ko.

            “In fairness sa akin, akala ko talaga, ikaw si Ward,” depensa ko. “Kaya para sa akin, hindi ka stranger.”

            “Whoah!” nakangiti niyang sabi, itinaas pa ang mga kamay. “Forget what I said. Huwag ka nang magalit. Peace na tayo e.”

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon