CHAPTER 15

1K 24 6
                                        

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER FIFTEEN:

COMMERCIAL BREAK: SI EDGE

PAK!

Hindi rin makatulog si Edge that night. Naaalala pa rin niya ang sampal ni Welcome. Paulit-ulit yon na narereplay sa utak niya.

PAK! PAK!

Hindi na masakit ang pisngi niya, pero masakit pa rin ang ego niya. Noon lang siya nakatikim ng sampal mula sa isang babae.

PAK! PAK! PAK!s

Pati parents niya, never siyang sinaktan. Siguro, dahil guilty ang mga ito

dahil naghiwalay at pinagtig-isahan silang magkambal. Broken family sila ngayon.

            Pero balik kay Welcome. How dared she slap him! Siya na laging nagpapaiyak sa mga girls. Not physically -- but emotionally and psychologically. Ngayon, siya ang sinampal ng girl na ito. Masakit sa ego.

            Palalampasin ba niya iyon?

            No!

            Kailangang makaisip siya ng way to get back at that girl! Kailangang mapaiyak niya si Welcome.

            “Edge.”

            Napalingon siya. Si Ward. Nasa patio sila ng bahay ng Mommy nila at ng present asawa nito, yung kaibigan ng Daddy nila, si Dave. Tito Dave ang tawag ni Ward dito pero siya, he refuses to call him Tito. Para kay Edge, he will forever be Dave. Just Dave. Ang lalaking nang-agaw sa Mommy away from his Dad. Away from them.

            “What happened back there? Sa school? Why did you do that to Welcome?” sunud-sunod na tanong sa kanya ni Ward. Hindi naman galit si Ward. Matagal bago magalit si Ward. Siya ang mabilis magalit. Ang mainitin ang ulo. Sabi ng Mommy niya, noong ipinanganak si Ward, ni hindi raw umiyak. Sa takot ng doctor, pinalo ang puwet nito. Pero imbes na umiyak, ngumiti lang daw. Samantalang siya, nang ipanganak siya 3 minutes later, hindi pa pinapalo ang puwet niya, bumunghalit na siya ng iyak. Para bang ayaw niyang lumabas sa mundo. Para bang alam niyang this world can be cruel.

            Iyon siguro ang reason kung bakit mas pinili ng Mommy niya si Ward noong maghiwalay ang parents niya. Kasi masayahin si Ward. Madaling paliwanagan. Tatanggapin lang ang mga bagay-bagay with a smile. Unlike him, maraming questions. At kapag hindi okay sa kanya ang sagot, magagalit, magmamaktol.

            Deep inside, iyon ang totoong reason kung bakit siya galit o may tampo sa Mommy niya. Dahil hindi siya ang pinili nito. Bakit si Ward? Bakit hindi siya?

            “Edge,” banggit ulit ni Ward na nangungulit ng sagot sa tanong nito kanina.

            Napabuntunghininga siya. Noong halikan niya si Welcome, alam niyang this confrontation is imminent. “She kissed me, Ward. Noong hinihintay kita sa classroom n’yo. Noong akala niya, natutulog ako.”

            Parang hindi naniniwala si Ward.

            Nainis siya. “It’s true.”

            “Welcome is not that kind of girl,” pagtatanggol ng kakambal.

            “Bahala ka kung ayaw mong maniwala.”

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon