THE WRONG MR RIGHT
By rj nuevas
CHAPTER 8
“Let’s go!” Yaya na ni Ramil. Pupunta na kami ng Trinoma. Malapit lang kasi ito sa school namin, ang pinagpipitaganang Quezon City Academy along EDSA.
“Wait,” pigil ni Ward.
Taka kami. Nagbago ba ang isip niya?
Noon huminto ang CRV sa harap namin.
May kotse si Ward! At may drivam pa!
Namula ang hasang ni Karen. Kasi yung mga boyfriends niya, walang car!
Binuksan ni Ward ang pinto ng backseat at inuna niyang pinasakay si Karen. Sunod ako. Susunod sana si Ramil pero sabi ni Ward: “Sa harap ka na, dude.”
Tumaas ang kilay ni Ramil. Dude??? Pero pinabuksan din naman siya ni Ward ng pinto sa passenger’s seat kaya napangiti na rin ang baklush.
At sumakay na rin si Ward sa backseat. So magkatabi kami. Magkadikit ang braso namin. Eeeeee!
Ang babaw ko! Pero bakit ba? Kinikilig ako e!
* * * * *
Trinoma.
Libut-libot kami. Ang tagal mag-decide kung saan kakain. Sa Jollibee o sa Mcdo o sa Chowking. Siyempre, iniisip namin ni Ramil ang budgey.
“Sa Burgoo na lang tayo,” yaya ni Ward.
Nagkatinginan kami ni Ramil. Mahal do’n. Si Karen lang ang may kaya non. Pero kami ni Ramil, hindi.
“Treat ko,” nakangiting pahabol ni Ward.
“Go!” mabilis pa sa tren na sagot ni Ramil.
So, sa Burgoo lami. At siyempre, ang sitting arrangement, magkatabi kami ni Ward.
“What do you like, Welcome?” tanong sa akin ni Ward.
Tiningnan ko ang menu. Ang sasarap ng pagkain. Lalo na ang mga burger o kaya chicken. Lalo akong ginutom. Pero dahil nagpapa-girl ako, ang sagot ko: “Salad na lang.”
Nanlaki ang mga mata ni Ramil. “Kambing lang ang peg?”
Si Ramil, ang inorder, hamburger. Si Karen, pasta! Si Ramil, chicken something.
Ako, salad.
Ang sasarap ng kinakain nila. Inggit na inggit ako. Lalo na kay Karen na itsurang babae lang pero bitukang dragon. Pero kailangan kong magpa-girl talaga or else baka mawala sa akin ang Miss Universe crown.
“Is the salad good?” tanong ni Ramil.
“Yeah,” nakangit kong sagot. Kung maka-yeah ako, wagas.
“Patikim,” sabi ni Ramil.
“Sure,” at binigyan ko pa siya ng salad sa plate niya. Naisip ko, sige ubusin mo tapos mag-c.r. ka para makikitikim ako sa burger at pasta ni Ramil at Karen.
BINABASA MO ANG
THE WRONG MR. RIGHT By RJ NUEVAS
Storie d'amoreTHE WRONG MR RIGHT By rj nuevas They say, looking for Mr Right is hard. But not for Welcome (the girl na ipinanganak sa Welcome Rotonda)! Nakita niya, nakabunggo niya si Mr Right. Doon nagsimula ang kanilang closeness. Pero hanggang tingin lang ang...