THE WRONG MR RIGHT
By rj nuevas
CHAPTER SEVEN
Kaya naman pala hindi ako pinansin ni Ward sa school, hindi naman pala siya ang nagtext na manliligaw. Walanghiya ka, Jerson, sinira mo ang araw ko yesterday. Umasa ako sa wala!!!
But first, kailangan kong dispatsahin itong si Jerson. Sinabi ko a kanya na hindi pa ako puwedeng magpaligaw. Dahil may usapan kami ni Mader na magtatapos muna ako ng high school, ng college, ng masteral. Choz!
“Pero bakit nagtext back ka ng sige…” resbak sa akin ni Jerson.
Oo nga, no? Pero ang akala ko nga kasi, siya si Ward. Pero alangan namang sabihin ko yon, no?
“Antok na kasi ako no’n. Mag-aalas dose na no’n. Sorry talaga, Jerson. Hindi pa puwede, e.”
“O, sige, basta pagka-graduate mo ng high school, liligawan na kita ha?”
“College.”
“Ang tagal naman.”
“Hindi kita pinipilit, no?”
“Sige, after college.” Yun lang at lulugu-lugo nang umalis si Jerson, dala ang roses. Ang chocolates, pinaiwan ko hehehe.
Nalaman ng kuya ko na busted si Jerson. Nagulat.
“Di ba, bawal pa akong magka-boyfriend,” paalala ko kay Kuya Bal.
“Okay naman si Jerson ah,” pagtatanggol ni Kuya sa barkada niya.
“Bawal nga, di ba? Sumbong kita kay Nanay.”
Natahimik na siya. Pero bigla ring buwelta. “Pero bakit nung sinabi kong may bisita ka, excited ka. Nagpaganda ka pa. Halos madapa ka pa sa hagdan.”
Kais nga, akala ko si Ward. Pero ang nasabi ko na lang ay: “A…e…”
“May binanggit ka pa ngang pangalan.”
“Wala ah. Teka, magsasaing na ako,” sabay talikod. The classic way of pag-iwas.
* * * * *
The following day, sa school, ang lakas ng tawa nina Karen at Ramil nang malaman ang true story ng mysterious suitor ko.
“My God, nakakahiya, friend! Ang lakas mo palang mag-assume,” si Karen yon.
“Akala ko kasi talaga, siya yun. Walang name e. Eksaktong kakukuha niya sa iyo ng number ko kaya akala ko, siya talaga. Masama ba? Mali ba?”
“Friend, ang tawag diyan, presumidang frog,” pang-aalaska naman ni Ramil.
“Tigilan n’yo na nga ako. Pahiyang-pahiya na nga ako sa sarili ko, e.”
Toooot toot.
Celphone ko. May Nagtext.
Nang tingnan ko. Walang number.
BINABASA MO ANG
THE WRONG MR. RIGHT By RJ NUEVAS
RomanceTHE WRONG MR RIGHT By rj nuevas They say, looking for Mr Right is hard. But not for Welcome (the girl na ipinanganak sa Welcome Rotonda)! Nakita niya, nakabunggo niya si Mr Right. Doon nagsimula ang kanilang closeness. Pero hanggang tingin lang ang...