CHAPTER 17

975 21 4
                                    

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER SEVENTEEN

COMMERCIAL BREAK: EDGE

Chocolate with nuts ang flavor ng ice cream. His favorite. Well, sipsip talaga si Dave. Alam kung ano’ng ice cream flavor ang magugustuhan niya. Siguro, bilin ng Mommy niya. Para bumait na siya sa mga ito. As if naman dahil sa ice cream, mapapatawad niya ang Mommy niya at ang Dave na iyon sa ginawa sa Daddy niya at sa kanila.

            Kung paanong kahit nasarapan siya sa ice cream, hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagkakasampal ng Welcome na iyon sa kanya. First time niyang masampal ng isang girl. Usually, ang mga girls, tumitingin sa kanya, ngumingiti, nagpapa-charming. Naghihintay na tingnan niya o ngitian niya. The more na hindi niya pinapansin, the more na nagiging desperate ang girls to get his attention. Na lalo niyang ikinaiinis. The more na naaalala niya ang Mommy niya at ang kasalanan nito. The more na gusto niyang gumanti sa Mommy niya through these flirts. Papansinin niya ang mga ito, liligawan, saka niya iiwan. Kapag nabalitaan niyang umiyak or nadepress, he feels victorious.

            Is he an asshole tulad nang sabi ni Welcome? Maybe. Pero iniisip niya, he’s doing these girls a favor. Matututo na ang mga ito to be more prim and proper. Na huwag maghabol sa boys. To wait for boys to court them. Dahil gano’n naman talaga, kahit gaano pa ka-modern ang mundo, dapat boys pa rin ang nanliligaw sa girls. He’s still a conservative at heart, after all.

            Nakatatlong scoop sana ng ice cream. Before, if something’s bothering him, kumain lang siya ng ice cream, mawawala na. Everything will be okay. For him, ice cream is the great equalizer.

            But not tonight. Naiisip pa rin niya si Welcome. Ang pagkakasampal nito sa kanya. Hindi kayang gamutin ng malamig at matamis na ice cream ang kanyang bruised ego.

            So, what to do?

            Ang gumanti kay Welcome. To teach her a lesson. To make her cry.

            How will he do it?

            To make her fall in love with him.

            Right! That’s what he’ll do. He’ll court her. Make her fall in love with him. Hard. Tapos, iiwan niya. Without even breaking up with her. Para mas masakit.

            How about Ward? Sinabi na ng twin niya na gusto nito si Welcome. But he doesn’t deserve her. Ward is too nice for the likes of Welcome. Masasaktan lang ang kakambal niya.

            And he will do his twin a favor kapag naging girlfriend niya si Welcome. Dahil hindi na ito masasaktan.

            Well, masasaktan si Ward. Pero sa umpisa lang. In the long run, Ward will thank him for saving him from greater pain.

            Kapag niligawan niya si Welcome at sinagot siya nito, doon pa lang proof nang malandi ang babaeng yon.

            Pero sasagutin ba siya ni Welcome? tanong ng isang part ng brain niya na paminsan-minsan ay kinokontra ang mga iniisip niya.

            Oo naman, sagot ng mas confident na part ng brain niya. May niligawan ba siyang girl na hindi siya sinagot?

            Is Welcome any different from those girls? E, hinalikan na nga siya dahil akala natutulog siya?

            Ang kailangan lang ay mag-apologize siya kay Welcome. He will do it tomorrow. Tapos saka niya sisimulang ligawan ito.

            At kumuha pa siya ng isang scoop ng ice cream. And somehow, tumahimik ang bruised ego niya.

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon