THE WRONG MR RIGHT
By rj nuevas
CHAPTER 9
Ayoko sana talaga. Lumaki ako sa mga pangaral ni Mader na ang babae dapat ay laging pormal. Dapat hindi aggressive at naghihintay lang sa move ng isang lalaki. Kapag daw nagpakita ka ng motibo, kiri o malandi ang dating mo.
“Ako nga, tatlong taon akong niligawan ng tatay mo,” kuwento ni Nanay habang magkatulong naming ginagawa ang longganisa. “At sa bahay ako pinupuntahan ha? Hindi ako inabangan sa kalye. Ikaw, Welcome, baka sa eskuwela ka nagpapaligaw ha!” Pinandilatan pa ako ni Inang Mahal.
“Wala hong nanliligaw sa akin,” buong ningning kong sabi. Dahil totoo naman. Lagi akong tinatabihan ni Ward sa school, sinasabayan sa canteen, sumasama sa amin sa mall, pero wala pa naman siyang sinasabing type niya ako. So hindi siya nanliligaw, di ba? Na ikinaiinip ko nga, di ba? Pero sa chikahan namin ni Mader, hindi ako nagsisinungaling. At least, hindi pa.
“Kapag may nanligaw sa iyo, huwag kang basta-basta sasagot. Dapat magpakipot ka. Ang mga lalaki, kapag mabilis kang napasagot, iisiping madali ka ring makuha.”
Gusto kong itanong kay Mader: ano naman ang tawag mo sa lalaking hindi mo alam kung nanliligaw o hindi? Torpe? Mader, wala kang dapat alalahanin sa akin dahil yung guy na gusto ko ang matagal bumigay.
Tumingin si Mader sa akin, nangingilid ang luha.
“Bakit ho?” taka kong tanong.
“Natutuwa kasi ako sa iyo, Welcome, dahil sinusunod mo ang utos ko na wala munang boyfriend-boyfriend,” sabay yakap sa akin ni Nanay.
Yay! Ang lakas makakunsensiya ni Mader.
Kaya naman nagkasya na lang ako friends kami ni Ward. Bakit nga ba inaambisyon ko pang manligaw siya o maging kami? Lagi naman kaming magkasama. Sa school. Sa library. Sa mall.
Pero aminin natin, hindi ka naman magkakasya sa gano’n. Kapag gusto mo ang isang tao, gusto mo, malinaw kung ano ang relasyon n’yo, di ba? Kung friends, o lovers, o in a relationship, o complicated.
Ayun, kami ni Ward. Complicated. At least, sa side ko.
* * * * *
One time, Sunday, nagpunta kami ni Nova sa National Bookstore dahil kailangan naming bumili ng cartolina para sa project niya. At nakita ko si Ward sa labas ng bookstore. Siyempre, natuwa ako. Napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako. Pero napakunot-noo lang siya. Kinawayan ko pa siya pero hindi niya ako pinansin. Naglakad lang siya palayo.
Takang-taka ako. Bakit ako hindi pinansin ni Ward?
“Ate, sino yung kinakawayan mo?” tanong ni Nova.
“Kaklase ko.”
“Bakit hindi ka niya pinansin?”
Yun nga rin ang hindi ko maintindihan.
* * * * *
Maski si Karen ay takang-taka nang ikuwento ko sa kanya ang nangyari over the cellphone.
BINABASA MO ANG
THE WRONG MR. RIGHT By RJ NUEVAS
Roman d'amourTHE WRONG MR RIGHT By rj nuevas They say, looking for Mr Right is hard. But not for Welcome (the girl na ipinanganak sa Welcome Rotonda)! Nakita niya, nakabunggo niya si Mr Right. Doon nagsimula ang kanilang closeness. Pero hanggang tingin lang ang...