Prologue

11 1 0
                                    


Napabuntong hininga na lang ako at hinang-hinang naupo sa waiting shed ng isang paaralan na nadaanan ko. Nakasampong kompanya, limang tindahan at dalawampung karinderya na ako pero wala pa ring tumatanggap sa akin sa trabaho.

Alam ko naman na wala akong karanasan sa mga ganito pero alam ko sa sarili ko na kaya ko ang mga ipapagawa nila sa akin.

Pinunasan ko ang pawis na namuo sa aking noo gamit ang likod ng aking kamay. Nakisabay pa ang init ng panahon sa paghahanap ko ng trabaho.

Biglang tumunog ang cellphone na ipinahiram sa akin ng kaibigan kong si Alliah. Kaagad ko itong sinagot.

Si Alliah ang matalik kong kaibigan dito sa Nueva Ecija. My mom's from here pero wala naman na syang relative dito kaya alam ko na hindi nila maiisip na pupunta ako dito. Tumira kami dito dati for 5 years pero lumipat rin kami kalaunan sa Manila dahil sya na ang nag-manage ng business ni Grandpapa.

"Nasaan ka na? Nakahanap ka na ba ng trabaho?" bungad nito sa akin.

"Hindi pa nga eh. Pero makakahanap rin ako panigurado." sabi ko, pinilit na pinapaniwala ang sariling makakahanap nga ako.

"Bukas ka na kaya magpatuloy? Alas tres na. Nakakain ka na ba ng pananghalian?"

"Oo naman." sagot ko kahit na hindi pa talaga. Kanina pa ako nagugutom pero ayaw ko namang kumain habang wala pa akong nahahanap na trabaho. Kailangan kong makahanap ng trabaho ngayong araw! Hindi ako titigil hangga't hindi pa lumulubog ang araw.

"Kung umuwi ka na lang kaya sa Manila? Sigurado ako na pinapahanap ka na ngayon ng Daddy mo. I know na wala syang ideya na nandito ka sa Nueva Ecija pero hindi magtatagal at malalaman nya rin kung nasaan ka. Maraming koneksyon ang Daddy mo, Aria."

Bumuntong hininga ako ng maalala si Daddy. Sya naman ang dahilan kung bakit ako umalis ng bahay. Ayaw kong pumayag sa gusto nya pero ipinililit nya pa rin.

"Alam ko, Alliah. Pero hindi ako babalik hanggat hindi nya binabawi ang sinabi nya."

"Eh kung magpakasal ka na lang kaya? Baka in the end ma-in love ka rin sa fiance mo."

"No! No way! Ayaw kong makasal sa lalaking 'di ko gusto. Lalo naman na sa lalaking 'ni hibla ng buhok, hindi ko pa nakikita."

Yes. Hindi man uso sa panahong ito ang Arrange Marriage, pero para kay Daddy, oo. Lalo na kung para sa ikalalago ng business namin. Balak kasi ni Daddy na palitan si Henry Sy sa pinakamayaman sa Pilipinas. Malaki ang mundo ng business kaya hindi ko alam kung kaninong anak ng business partner ni Daddy nya ako ipapakasal.

"Grabe ka naman makatanggi. Malay mo papable pala 'yung ipapakasal sa'yo, 'di ka na lugi mumsh!"

Napairap na lang ako ng umarangkada na naman ang kalokohan ng kaibigan ko. Ang hirap talaga kapag may kaibigan kang baliw.

"Ewan ko sa'yo, Alliah. Ibaba ko na 'to at kailangan ko ng maghanap ng trabaho."

Ibinaba ko na ang tawag. Tama na ang pahinga. Kailangan kong makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon.

Tumayo na ako sa mula sa pagkakaupo at nagsimula ng maglakad. Medyo nahihilo na ako, dala na rin siguro ng hindi ko pagkain ng tanghalian at maghapong paghahana ng trabaho.

May nadaanan ako na grupo ng mga estudyanteng lalaki. May hawak ang tatlo sa kanilang vape habang ang isa naman ay nakamasid lang sa kanilang tatlo. Saktong pagdaan ko ay nagbuga ng vape ang isang binata. Mas lalo akong nahilo ng maamoy ko ang amoy nito. Ugh.

Nawala ang balanse ko at ipinikit ko na lang ang aking mataㅡhanda na sa pagbagsak ko. Imbes na ang matigas na semento ang pagbagsakan ng katawan ko, naramdaman ko ang pares ng kamay na humawak sa beywang ko para masalo ako.

Run AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon