06

4 0 0
                                    


Nagsimula na kaming kumain at nag-usap sa kung anu-anong bagay. I don't know, I suddenly felt comfortable now that we're talking something about ourselves. Something to know each other.

"Aria."

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang bumigat ang pakiramdam dito sa kusina? Parang biglang naging seryoso. Kinakabahan tuloy ako.

"W-Why?" I asked.

"I'm sorry if you were shocked... about the kiss."

Bigla akong napalunok ng sarili kong laway. For days–for weeks, I've been thinking about that kiss. Is it a mistake? Why is he saying sorry? This is what I've been scared to face.

"But I'm not sorry about kissing you."

Napakunot ang noo ko ng dahil sa sinabi nya. My mind went blank. Why is he saying these things to me? Tama ba si Ace? Na may gusto nga sakin si Byron? But it's just two months! 'Di ba parang mabilis?

"So what are you trying to say?" I asked when I finally found my voice.

"What I'm saying is that... I like you, Aria."

Sabay kaming napalingon sa gawi ng sala ng may marinig kaming mga boses. Familiar voices.

"Byron! Let's go and play basket...ball." napahinto sa paglapit si Jerald ng makita nya kami ni Byron.

Tila naestatwa ito at nanatili ang tingin sa aking dalawa. Nagkatinginan kami ni Byron at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Should I greet him? Kinunot ko ang noo ko na tila ba nagtatanong kay Byron kung anno ang dapat na gawin.

"Oh? Bakit ka ba nakatunganga dyan? Ayain mo na si..."

Napatingin kaming dalawa ni Byron sa taong dumating. Hindi na rin naituloy ni Kris ang pagsasalita ng makita nya kaming dalawa ni Byron.

"Jerald." kumapit si Kris sa balikat ni Jerald at bumulong pero rinig pa rin naman sa gawi namin."Nananaginip lang ba ako o nakikita ko talaga si Aria na nakaupo sa harapan ni Byron?" tanong nito.

"Shit. 'Yun din 'yung nakikita mo? Ibig sabihin, nandito talaga si Aria sa bahay ni Byron?" hindi makapaniwalang sambit ni Jerald.

"Hoy? Ano bang tinutunganga nyo dyan?" lumingon ang kadarating lang na si Vince sa gawi namin ni Byron."Oh, Aria, andito ka pala?"

Lumapit ito sa amin at umupo sa isa pang upuan.

"Luto mo ba 'to, Aria?" nagsandok sya ng pagkain at saka dire-diretso sa pagsubo."Ang sarap naman!" sabi nito habang puno pa ang bibig nya.

I shrugged."Luto nya 'yan, not mine." sabay turo ko kay Byron.

Nabitin sa ere ang dapat na isusubo nyang pagkain at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. Feeling ko nga kung may lamang pagkain 'yung bunganga ni Vince malamang naibuga nya na sa akin.

"Luto ni Byron?!" tila natauhan na sina Kris at Jerald dahil nagawa na nilang mag-react kasama si Vince.

Gulat na gulat silang napatingin kay Byron na patay malisya lang at bumalik na sa kanyang pagkain.

"Kailan ka natutong magluto? Sa apat na taong magkaibigan tayo, bakit ngayon ko lang nalaman 'to? Bakit pinapauwi mo pa kami para kumain ng dinner kung marunong ka naman pala?!" reklamo ni Jerald na lumapit pa talaga kay Byron.

"Oo nga! Tapos ngayong si Aria ang nandito, todo luto ka naman! Grabe ka! Akala ko kaibigan kita!" umarte pa si Kris na nasasaktan habang nsgsasalita.

Napangiti na lang ako sa kanila. Mga abnormal talaga ang magbabarkadang 'to.

"Ako okay lang, natikman ko naman na ang luto ni Byron eh." tila wala namang pakialam si Vince na nagbalik na sa kanyang pagkain.

Run AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon