07

8 0 0
                                    


Pagkagising ko, kusa na lang akong napangiti. Shit. Kinikilig ba ako? Okay. Kalma lang, Aria. Manliligaw pa lang, okay? Kung makapagdiwang ka parang boyfriend mo na sya.

Eh kung sagutin ko na kaya? Heck! Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Masyadong nagmamadali? Bwisit. Ano ba kasi ginagawa ng lalaking 'yon sa sistema ko? Damn.

"Hoy babaita! Aga-aga kinikilig ka na dyan?!"

Napabangon ako bigla ng marinig ko ang boses ni Alliah dahilan para mahilo ako. Shit.

Nang nakabawi ako sa hilo, inangat ko ang ulo ko para maharap si Alliah pero imbes na si Alliah ang madatnan ko, si Byron na naka-school uniform ang naabutan ko. Nakapamulsa pa ito habang seryosong nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na nahila ang kumot para itakip sa katawan ko. Well, I'm fully clothed. Instinct na lang siguro na gawin ko 'yun.

"A-anong ginagawa mo dito?"

Napahawak ako sa buhok ko. Sa mga mga mata. May muta kaya ako? Shit. I'm probably look like shit right now. Bakit kasi kailangang pununta nito dito sa apartment ng ganito kaaga?

"I've brought you breakfast. You can share it with Ms. Arenas."

Saktong dumating si Alliah na kakaiba ang ngiting pinapakita sa akin.

"No, no need! Kahit sya na umubos nyan lahat. Baka sumakit pa tiyan ko kapag kinain ko 'yan, hindi naman kasi para sa akin 'yan kundi para kay Princess Aria." inilahad pa nya ang kamay nya papunta sa akin na para bang ipinapakilala ako. Tsk. Baliw talaga ang babaeng 'to.

Nabalik ang tingin ko kay Byron na mayroong kaunting ngisi sa kanyang labi. Aba! Prang napapadalas ag pag-ngisi ng lalaking 'to ah? Samantalang dati akala mo laging magugunaw na ang mundo.

Pinanlakihan ko sya ng mata and mouthed "what?!" to him. He just shrugged.

"I'll see you later." sabi nito at naglakad na papalabas.

Napahawak ako sa dibdib ko ng tuluyan na syang makaalis. Feeling ko magkakasakit ako sa puso ng dahil kay Byron.

Sinamaan ko ng tingin si Alliah ng mahimasmasan na ako.

"Bakit pinapasok mo 'yon dito? Grabe! I look like a mess right now! Nakakahiya!" naiinis kong sabi.

Tumawa lang sya at umupo sa tabi ko. Duon ko lang napansin na nakabihis na sya ng uniporme. Aba't himala. Bakit ang aga nagising ng babaeng 'to?

"Alangan namang hindi ko papasukin 'di ba? At saka anong mess ang pinagsasabi mo dyan? Nakakabwisit ka kaya sa umaga! Ang ganda mo pa rin! Walang muta, kahit messy hair sobrang ganda mo pa rin. 'Yun mga pang woke-up-like-this na mukha? Hmp! Kagigil ka eh."

Tumayo ito at pumunta sa harapan ng salamin para suklayin ang mahaba ang makapal nyang buhok. I told her too may times na magpa-rebond na pero ayaw nya. Ewan ko ba dyan. Ako nabibigatan sa buhok nya eh.

"Wait. Bakit ang aga mo gumayak? 'Di ba 10 pa pasok mo?" tumingin ako sa wrist watch para tignan ang oras.".. 7:18 pa lang ah?"

"May gagawin kasi kaming project. Napagkasunduan nila na gawin na lang namin ng mas maaga para mas maganda.." kibit-balikat nitong sabi.

Tunayo na ako at dumiretso sa banyo para magmumog at maghilamos na rin. Grabe. Humarap ako kay Byron ng walang mumog man lang? Nakakahiya talaga. Nakakainis!

"Beshie! Alis na ako ah? Babuuuush!" sigaw ni Alliah mula sa sala.

"Sige! Isara mo 'yung pinto ah?"

"Sure thing!"

Nang matapos na ako, pinunasan ko ng towel ang mukha ko. Pumunta ako sa kusina at automatic na napangiti nag makita ang dalang breakfast ni Byron.

Run AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon