09

8 0 0
                                    


Napangiti ako ng makitang tapos na ang pinaghirapan ko ng ilang oras.

Nandito ako sa bahay ni Byron ngayon at inayos ang surprise ko sa kanya.

How did I manage to get in to his house? It's Jerald. May lahi palang akyat bahay ang isang 'yon. He just open the door using a card. Buti na lang 'di kami pinaghinalaan ng guard dahil lagi namang namamalagi sina Jerald sa bahay ni Byron.

Sa sala, may isang malaking salita na nakasulat: Y E S. Nanduon na rin 'yung mga pagkain na niluto ko. I asked the boys kung anu-anong paboritong pagkain ni Byron at iyon ang inihanda ko.

I decided to make it simple kasi sa pagkakakita ko sa bahay nya, very minimalistic lang ang designs and probably, hindi sya 'yung taong gusto ng bonggang events and such.

I decided to say 'yes', to him. Tama si Alliah, wala naman talaga 'yan sa tagal ng pagsasama ng tao. Basta palagay ang loob nyo sa isa't-isa at may tiwala.

Napatingin ako sa hawak kong cellphone ng may tumatawag. Si Jerald.

"Papasok na kami sa Golden Ville."

May nagsalitang lalaki pero hindi boses ni Jerald, boses ni Kris.

"Okay. Tapos ko naman na lahat ng gagawin eh." sabi ko.

"Luto na ba 'yung mga pagkain? I'm hungry! Ako bibinyag sa luto mo, Aria!" I heard Vince said over the phone.

Lagi talagang gutom ang isang 'to.

"Tsk. At sino namang nagsabi sa'yo na papakainin kita? Bumili ka ng pagkain mo!"

Narinig ko ang tawa ng dalawa. Maybe I'm on speaker mode.

"HAHAHAHAHAHAHA Burn asshol–aray! What the fuck?! Stop it! You–Stop it you two, kapag tayo nabangga! Sinasa–Aray! Ikaw ah sumosobra ka n–"

Biglang namatay ang tawag kaya namab ibinaba ko na ang cellphone ko. Nagge-gyera na nanaman siguro 'yung tatlo na 'yon.

Inayos ko ang blouse na suot ko. Ito 'yung isa sa binili sa akin ni Byron. I'm wearing high waist short and a sandals. Naglagay na rin ako ng kaunting lip at cheek tint para hindi naman ako mukhang maputla.

Nang may nag doorbell, kaagad ko itong binuksan at nakita ko ang tatlo na gulo-gulo ang buhok gusut-gusot ang damit at hindi maipinta ang mga mukha.

Napa-face palm na lang ako sa kanila. Aakalain mo bang ga-graduate na ng College ang mga 'yan? Mga asal bata. Daig pa elementary students.

Humalukipkip ako sa harapan nila at tinaasan ng kilay.

"Anong pinaggagawa nyo sa buhay nyo?" Inirapan ko sila at naiiling na tumalikod sa kanila at umupo sa sofa.

Kaagad naman na sumunod ang tatlo at naglakbay ang mga mata sa sorpresa na inihanda ko para sa kaibigan nila.

"Makapag-girlfriend na nga rin para may gagawa sakin ng ganito." bulalas ni Kris at prenteng umupo sa mahabang sofa na sinundan naman 'nung dalawa.

"Jealous boy. You don't mean what you said." sabi ni Jerald.

"Marami kang girlfriend, you just don't want commitment kaya hindi nila magagawa 'to sa'yo. Hindi mo naman sila binibigyan ng pahintulot."

Taimtim akong nanuod at nakinig sa pinag-uusapan ng dalawa. Para kasing si Alliah 'yang si Jerald eh, bibihiralang maging seryoso. Kadalasan kasi puro kabaliwan at ka-autistic-an ang alam.

"Coming from you, huh?" sabi ni Kris. Humarap ito kay Jerald at nagtanong."Then why didn't you let her be committed to you?"

Napatitig si Jerald sa kawalan.

Run AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon