03

8 0 0
                                    


Maaga akong nagising dahil ang sabi ni Byron, saktong alas ocho daw ang alis namin. Susunduin nya daw ako dito sa apartment. Hindi ko alam kung alam nya ba kung saan ako nakatira at hindi ko din alam kung bakit alam nya na sa apartment lang ako nakatira. Bago ko pa maitanong sa kanya 'yon, binabaan na nya ako ng tawag.

Nagsuot lang ako ng t-shirt at short dahil sabi nya, sa farm daw kami pupunta. Nag-rubber shoes din ako pero nagbaon ako ng tsinelas in case na maputik pala ang dadaanan namin.

Habang dino-double check ko ang mga gamit ko, tumawag si Byron.

"I'm outside your apartment." sabi nya bago ibinaba ang tawag.

Nanlaki ang mata ko. So he really knows where I am staying? Where the hell did he get the information? Kanino nya nalaman?

Kinuha ko ang gamit ko at nagmadaling lumabas. And there, standing of the apartment's front gate is Byron together with Jerald, Vince and Kris.

They're wearing their usual clothes like mine pero bakit parang mga model sila sa Bench? Penshoppe? No. Let me rephrase that. Parang nagmomodel sila ng sasakyan na Wrangler. Kung saka-sakali siguro maraming bibili ng sasakyan na 'yan.

"Ready?" sinalubong ako ni Byron at ibinigay sa akin ang bag nya. Hindi naman ito kabigatan kaya ayos lang. 'Yun naman talaga ang role ko dito–maging alalay nila. That's the sad truth.

"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko ng makasakay na ako sa sasakyan. Nasa passenger seat ako dahil duon nya ako pinaupo habang ang tatlo naman, nasa backseat."May iba pa ba kayong kasama?"

"Meron." si Jerald amg sumagot kaya naman napatingin ako sa kanya sa front mirror."Ten kami per group. May tatlong babae at tatlong lalaki pa kaming kasama. Nasa Bongabon na 'yung isa kung saan kami pupunta dahil mayroon silang farm duon. Sumabay na rin yata 'yung lima so I think, tayo na lang ang hinihintay."

"Malapit lang ba dito 'yon?"

"Yes. Mga isa hanggang dalawang oras lang ang byahe. Pero syempre, it depends sa traffic."

Tumangu-tango naman ako sa sinabi ni Jerald. Excited din ako na umalis dahil first time ko din na maglilibot dito sa Nueva Ecija. Marami na rin akong napuntahang bansa at ibang lugar dito sa Pilipinas pero hindi ko pa nalilibot dito.

Papunta pa lang kami sa lugar, ang dami ko ng nakikitang mga palayan at mga patubig. Ewan ko pero para sa akin ang ganda lang sa paningin ng mga kulay green. May natatanaw rin ako na bundok malapit sa amin.

"Can you give me some water? I'm thirsty."

Napabaling ako kay Byron ng bigla syang nagsalita. Bahagya itong tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan."It's inside my bag."

Napatingin ako sa gawi nina Jerald at nakitang masarap na ang pagkakatulog ng mga ito. Baka pagod 'tong mga 'to.

Pinagwalang bahala ko na lang 'yung mga lalaki sa likod. Binuksan ko na lang ang bag ni Byron na nasa kanlungan ko. May laman itong t-shirt, wallet and finally, his tumbler. Sinubukan kong maghanap ng staw para mas mapadali ang pag-inom na pero wala naman akong nahanap.

"Ihinto mo 'yung sasakyan." sabi ko.

Umiling sya."Mapapabagal pa tayo. I'll just drink while driving."

Kumunot ang noo ko."How?"

"You're gonna hold it for me, of course."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi nya. Is it really necessary? Jusmeyo.

Ginawa ko na lang ang gusto nyang mangyari. Inilapit ko sa kanya ang tumbler pero hindi ko sya maabot.

Tinanggal ko ang seatbelt para mas makalapit ako sa kanya at para mas maayos syang makainom.

Run AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon