10

9 0 0
                                    


Nang makarating na kami sa Infinitea, kaagad akong bumaba ng sasakyan habang hawak ang paper bag na may naglalamang pagkain.

Papasok na sana ako sa loob kaso biglang hinila ni Byron 'yung braso ko.

"What?" tanong ko.

Hindi ako sinagot nito at imbes ay hinubad ang suot nyang blazer. Hinila nya ako papalapit sa kanya at itinali sa bandang baywang ko 'yung blazer nya.

"I don't want anyone oogling at your legs and thighs. That's for my eyes only." he said in a serious tone.

"Says who?" tinaasan ko sya ng kilay.

Tinaasan nya rin ako ng kilay."Says me."

Hindi na nya ako hinintay na makasagot at sya na mismo ang humaltak sa akin papasok sa infinitea.

"Oh, andito pala ang love birds." sabi ni Johan na nasa counter.

"Ano ka ba, hindi pa sila." sabi naman John na naglalakad papalapit sa amin galing sa second floor.

"Actually.." kinuha ni Byron ang kamay ko and he entertwined our hands in front of Johan and John.

Nanlaki ang mata ng dalawa at natawa na lang ako sa hitsura nila. Nagmukha kasi silang tarsier na dalawa.

"Kayo na?!"

Bahagya akong tumango at binitawan na muna ang kamay ni Byron para makalapit kina Johan.

Ipinatong ko sa counter ang paper bag at kinuha ang laman.

"Birthday nga pala ni Byron ngayon, dinalhan ko kay ng handa nya." sabi ko at ibinigay sa dalawa ang lunch boxes.

"Sakto, 'di pa kami nanananghalian. Happy birthday, repa."

Nakita kong umupo si Byron sa isang sofa sa bandang gilid ng counter kaya naman lumapit ako sa kanya at umupo sa tapat na upuan.

Kumunot ang noo nya.

"What?" tanong ko.

Bumabalik na naman yata 'to sa pagiging grumpy nya. Tsk.

"Why are you sitting there?" tanong nya sa akin.

"Masama bang umupo dito? Saka bakit ba nakakunot na naman 'yang nuo mo? Mukhang nagiging grumpy ka ah. Mr grumps. Dapat 'yun tawag sa'yo eh." biro ko.

Sobrang seryoso naman kasi ng isang 'to. Parang kanina lang wagas kung makangiti, akala mo mapupunit na 'yung labi tapos ngayon naman, mag-iisang linya na 'yung kilay.

Tumayo ito at umupo sa sofa na inuupuan ko. Hinapit nya ako papalapit sa kanya kaya naman ramdam na ramdam ko ang pagtaas baba ng kanyag dibdib habang humihinga.

"I didn't know you were the clingy type." saad ko.

Ngumisi sya. He looks so cocky but very handsome."Of course. I have every right to be clingy. You're mine now."

Nagulat ako ng bigla na lang nya akong hinalikan sa pisngi.

Siraulo! Lumingon ako sa mga taong nasa paligid namin. Mabuti na lang at walang gaanong tao dito sa shop at mga busy silasa buhay nila kaya sa palagay ko, wala namang nakapansin kay Byron.

"H'wag kang mag-alala Aria.." napatingin ako kay Johan na bigla na lang nagsalita.".. Kunyare na lang wala akong nakita." sabay tawa ng nakakaloko.

Naitago ko na lang tuloy ang mukha ko sa braso ni Byron. Naramdaman ko kasing uminit 'yung pisngi ko. Nakakahiya! Napaka-PDA ng lalaking 'to!

Tatawa-tawa pa si Byron. Tsk. Hinampas ko sya sa dibdib at imbes na tumigil sa pagtawa, mas lalo pang lumakas.

"Stop it!"

Run AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon