01

9 0 0
                                    


Pagkauwi ko, ikinuwento ko kaagad kay Alliah ang nangyari. Walang secrets sa aming dalawa. We always tell each other what happened on our day. Kahit na nung nasa Manila na ako, araw-araw pa rin kaming nag-uusap.

At expected, OA na naman mag-react ang bruha. Minsan talaga napapaisip na lang ako kung bakit sa lahat ng tao dito sa mundo, baliw pang kaibigan ang napunta sa akin.

"OYGULAY MUMSH! Bakit kasi nagpakita ka? Naku naman, oo! Paano na 'yan? 'Di ka nga magbabayad pero papatayin mo naman sarili mo kakatrabaho? Buti sana kung ikaw si Superwoman o kaya naman si Darna. Eh hindi naman eh!" mahabang litanya nito.

Napahawak na lang ako sa aking sentido ng marinig ang sinabi nya. Minsan talaga ang sarap na lang hambalusin nitong babaeng 'to. Promise. Isa lang talaga!

"Hindi ko naman kasi sya namukhaan! Sa tingin mo ba kung alam ko hitsura ng taong pinagkakautangan ko, sasalubungin ko pa ang landas nya? Di na no?!" sabi ko.

"Eh paano na ngayon 'yan? Buti sana kung wala akong inaasikaso matutulungan kita sa mga ipapagawa ng tukmol na 'yon. Ang kaso naman busy din ako. Marami rin kaming projects and assignments. Kapag hindi ko pa naipasa 'tong summer class ko, papatayin na ako ni Papa ko."

Kahit na baliw 'tong kaibigan ko, napakabait naman kaya sobrang thankful pa rin ako na biniyayaan nya ako ng kaibigan na katulad ni Alliah. Baliw nga lang. Pero mabait naman kaya hayaan na natin. Mas mahalaga ang pagiging mabait nya kaysa sa pagiging baliw.

"Okay lang naman ako. Kaya ko 'to no. Papanindigan ko 'to." sabi ko.

Tumaas ang kanyang kilay."Aba dapat lang. Naglayas-layas ka dyan kaya dapat mo lang na panindigan. Choosy ka pa kasi eh." sabay irap nito sa akin.

Binato ko sya ng unan na nadampot ko."Ikaw kaya magpakasal sa taong di mo pa nakikita at nakikilala?"

Tumatawa itong umilag sa ibinato kong unan sa kanya."Edi mano. Magtutuos kami. Bring it on, baby!"

Umiling-iling na lang ako sa kabaliwan ng kaibigan ko at nahiga na sa kama. Wala akong matinong sagot na makukuha sa kanya kaya matutulog na lang ako. May kapupupuntahan pa ang oras ko kaysa sa makipag-usap sa baliw kong kaibigan.

Break ko ngayon sa trabaho at umupo lang ako dito sa may bandang labas ng shop. May mga upuan rin naman dito kung sakaling hindi magkasya ang customer sa loob at sa second floor.

Wala pa din namang masyadong tao dahil class hour pa. Maya-maya pa magdadagsaan ang mga estudyante.

Nagulat na lang ako ng biglang may humiltak ng upuan sa harapan ko at umupo. 'Yung lalaking pinagkakautangan ko.

Nakasuot ito ng plain white t-shirt at khaki short. Kitang-kita ko mula rito sa kinauupuan ko ang ugat-ugat sa kanyang kamay at braso. And he has a wide shoulder! Biceps and triceps are all in its right places. He's so tall! Hanggang baba lang ata nya ako eh.

Ang kanyang mga mata na laging matalim ang tingin ang kaagad na sunalubong sa akin. I don't know what's wrong with me pero sobrang lakas ng dating nya para sa akin, to think na hindi naman ang tipo nya ang tipo ko, I usually like tisoy and he's definitely not tisoy. He's moreno but not to the point na sobrang itim.  Kahit na simple lang ang damit na suot nya,  nagsusumigaw pa rin ang karangyaan sa kanya.

"Here's my assignment." sabi nito sabay abot sa akin ng mcbook nya. Aba sosyalin. Naka mac book si Kuya. Yayamanin. Well, halata naman sa hitsura nya.

Tinignan ko naman ito at nakitang madali lang naman. I wonder if he really like his course? Kasi parang mukhang napipilitan lang sya sa course na kinukuha nya ngayon. And lalaki sya. Doesn't boys always want some challenge?

Run AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon