Vector's Backstory-special chapter

25 6 1
                                    

I never wanted the wealth of our family...

I only wanted to feel...

Flashback... 2006

"Gem!! Takbo!!! At wag na wag kana babalik!" Ang sigaw ng aking ina na si Carmela.

"Ma!"

Ako'y tumakbo lang... nung... sinasaksak ni papa ang aking ina. Ginamit niya lang ang aking ina upang magawa ako. Hinding hindi ko siya mapapatawad! Hindi!!!

Naging ulilang bata ako. Magisa. Walang may pake sakin.

2009

"Love! May batang nakahiga don! Kawawa naman. Tara tulungan natin!" Ang sigaw ng isang mabuting babae na si Maria.

"Tara!" Ang sigaw ng isang mabuting lalake na si Juan.

Ipinasok nila ako sa kanilang bahay. Inalagaan, pinaliguan, pinakain at pinaaral!

2010

"And the champion for this singing contest is..." Hala sino kaya yun? Sana ako para makatulong narin ako sa aking mga foster parents! Please! Please!

"Victor Gemuel Bormeo!"

*applause

"MARAMING SALAMAT PO SA INYO!!!"

Kinuha ko ang aking premyo.

30 minutes later...

Yess! Matutuwa dito ang aking mga magulang! Maraming salamat po lord!

Nakasalubong ko ang aking mga kakompetisyon at kinongratulate nila ako.

"Congrats Gem!!! Worth it sayo yan!" Ang sinabi ng aking kakompetisyon na si Moira Cruz.

"Thank you, Moira! Maganda rin ang boses mo!" Ang aking sinabi sakanya.

"Oh sige! Bye na!!! Hinihintay na'ko ng aking mga magulang!" Ang sinabi niya sakin habang nakangiti siya.

"Sige, bye rin!!!" Ang sinabi ko sa kanya.

Habang naglalakad ako sa madilim na kalsada inisip ko ang mga posibleng reaction ng aking mga foster parents.

Siguro may hinanda silang surprise sakin! Eh bala na yan!

15 minutes later... 7:05 PM

Malapit nako sa bahay at na eexcite narin ako! Meron kayang surprise? Napatakbo ako sa sobrang excitement ko ngunit...

di ko inexpect na...

Dugo ang aking makakasalubong...

Pinuntahan ko sila at tumawag sa 811.

Umiyak ako ng sobra...

Tumayo ako at nakita ko sa lamesa...

Ang cake na may nakasulat na "Congrats! Anak! Sabi namin sa'yo eh mananalo ka!"

Nakita ko rin ang mga crepe paper na natabunan na ng dugo nila.

Tinignan ko ulit ang kanilang bangkay at may nakita akong nota sa may kamay ng aking tatay na si Juan...

MAGTAGO KA ANAK!!! HINAHANAP KA NIYA!!! MAHAL KA NAMIN NG NANAY MO!!! WAG KANA MAGING MALUNGKOT AT MAGTAGO KA NA!!!

Kahit ba pinapatay na kayo ako parin iniisip niyo? Bakit?

Tumakbo ako, nagtago, at nakatakas sa kamay ng aking tunay na tatay. Hindi ko hahayaang maging walang silbi lang ang pagkamatay ng mga taong malapit sa akin!

2012

10 yrs old palang ako pero nakakulong na ang buhay ko! Di ko na kaya!

Nahulog ako sa gilid ng kalsada habang gabi at sa kasamaang palad ay may nakahanap ulit sakin. Buti nalang at hindi sila nadamay sa'kin.

Nagtrabaho agad ako bilang isang mangangalakal.

Mahirap ito ngunit masaya dahil tahimik ang buhay ko non.

Nag-aral ako sa isang public school. Nag-aral ako ng mabuti at ang saya-saya ko nung natanggap ako sa scholarship. At dun nag-simula ang masaya kong pamumuhay.

2017

Nakapagrenta ako ng isang maliit na lote! Dun ako nanirahan! Mainit dun pero atleast safe. Nakapag ipon ako ng pera sa pamamagitan ng pagkanta sa mga pampublikong lugar. Sapat lang naman ang pera ko di naman ngakukulang.

2018

"Ayoko sumama sayo!!!" Sa kasamaang palad nakita ako ng aking tunay na tatay at sa kagandahang palad nakatakas ulit ako sa kanya! Ngunit nakita ko ang nakasulat sa aking upuan.

At dahil alam na ng aking tatay ang aking lugar. Magiging mahirap ulit ang aking buhay. At oo nga pala! Ang totoo kong pangalan ay Victor Reisse.

***

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon