Nak ? , Bumaba kana diyan.. gabi na ah..
Gabi na pero ito pa din ako nasa bubong at naka upo.. naka tingin sa kawalan.. Di kasi ako makatulog.. masyadong madaming pumapasok sa isip ko..
Di ko alam kung anong oras na.. pero alam kong sobrang gabi na.. medyo malamig na din kasi..
sige po..
Maya maya . naramdaman kong pumapatak na sakin ang ambon.. mukang uulan pa ata..
Di kalaunan bumagsak na din ito.. pero di pa din ako pumapasok sa bahay.. pinapapasok na nga ako ni mama at ng mga kapatid ko pero di talaga ako umalis..
Sa pagbuhos ng malakas na ulan .. siyang .. bagsak ng mga luhang ilang araw ko na ring kinikimkim.. sumabay siya sa agos ng tubig sa muka ko..
Sa ulan. Sa bawat patak nito. Sa bawat dampi sa muka ko. siyang nag papa alala sakin.
Sa mga nakaraan namin..
Sa mga malulungkot na araw..
Sa mga di makakalimutang bagay..
Sa mga masasayang nangyare sa amin..
Sa mga panahong madalas kaming magkasama..
Pero sa pagtila ng ulan.. siyang pagkawala mo..
Oo nga .. nasan kana nga ba ? Na saan na yung kasama kong tatanda ? Na saan na ang mahal ko ? ang minamahal ko ? ang mamahalin ko ?
Sa bawat ulan na dadaan sa mga araw isa lang ang gusto kong sabihin sayo..
Bumalik kana sakin... please...
BINABASA MO ANG
Bumalik Kana Sakin
Fiksi UmumNag simula sa isang di pag kakaunawaan .. Na uwi sa isang pagtatampuhan .. Hanggang sa umabot sa di pagpapansinan .. At humantong sa isang masaklap na Hiwalayan..