Forty-four ♥

8.8K 125 6
                                        

My Fairytale

"Okay mga gwapo, yung mga neck tie niyo pakiayusin na ah! Nakakaloka, gusto ko maging maayos kayong lahat! Nako ikaw naman sir, medyo taasan ang buhok, mas begey sa kagwapuhan mo yon!" sabi ni Mikie, ang inassign na tagaayos

"Goodmorning po ito na po yung mga white roses na inorder niyo." sabi nang lalaking na nakacap na yellow na may nakasulat na Flowershop

"Oyy! Andyan na yung pinaorder natin sa favorite niyong resto!" sabi ni Misty samin

"Gerald, ang gwapooo mo!" sabi naman saakin ni Moniq

"Alam ko na yan, Niq." sabi ko at ngumiti 

"Sige tara na, gals! Pupunta pa tayo sa bride!" sabi ni Maddie

"Uy, pakisabi kay Queen, kahit na simple lang siya papakasalan ko parin siya."

"Yiee, kabitter kayo!" sabi ni Misty, tumawa naman sila saka umalis.

Pumasok ako sa isang room, Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin.

Ito na ang araw na hinihintay ko. Ang araw na mapapalitan ko narin ang apelido nang taong mahal ko, hindi ko alam na ganito pala kasaya ang mararamdaman lalo na siguro mamaya kapag natapos na ito.

"Brad, kinakabahan ka?" sabi ni Seth sabay hawak sa braso ko. Parehas kaming nakatingin sa salamin.

"Oo brad, pero mas nangingibabaw yung excitement, mahal ko siya hindi na ako makapaghintay pa." Tinap niya ang braso ko

"Alagaan mo yun brad, mahal namin yon!"

"Makakaasa kayo sakin." Iniwan niya akong magisa

Umupo muna ako sa upuan don, iniisip na ano na kayang ginagawa niya? Tapos na kaya siyang magayos nang buhok? Nasuot niya na ba ang wedding gown? Ano kaya? Iniisip niya rin ba ako ngayon?

Hindi naman halatang patay na patay ako sa babaeng yon no? Pero aaminin ko naman iyon, na mahal na mahal ko yon hanggang sa point na gumuho na ang mundo.

"Tara na, Anak?" Tumango ako sa kakapasok palang  na si Mama.

Huminga ako nang malalim bago linasanin ang lugar na yon, mas bumigat ang dibdib ko. Mas kinabahan, paano kung hindi siya dumating, puro paano ang naiisip ko dito sa utak ko. Masyado akong takot pero masaya ako dahil may tiwala ako sa kanya.

Alam kong dadating siya.

Tinitigan ko ang dinadaanan, lahat nang taong nakikita ko nakangiti, parang nagkaroon nang rainbow ang lugar, wala kang makikita na umiiyak, o nalulungkot. Tila pumanig na ata samin ang tadhana. Sana ayos na.

"Panigurado, dyosang dyosa lalo yang si Universe! Wedding Gown palang panalo na diba?"

"Oyyy, may tahimik, may kinakabahannn!" tumimgin ako kay Kats.

"Tumigil kayo, mas kinakabahan ako sainyo eh!"

Hindi na ako nakisali sa mga usapan nila sa byahe, madami akong iniisip. Naiimagine ko ang mga posibleng mangyari mamaya.

"Andito na tayyyyo!" sabi nila, huminga muna ako nang malalim bago pumasok.

Ayos na Ayos ang buong simabahan sa araw na to, halatang pinaggastusan maige ang kasal. Enggrande. Special.

Nakalatag na ang red carpet, ayos na ayos na lahat. Bumilis ang tibok nang puso ko  bakit ba minuto minuto mas nadadagdagan ang kaba ko?

Pumasok na kami sa simbahan, mas maganda pa pala sa loob.

May makukulay na bulaklak na nakasabi sa kisame, makukulay na bilog naman sa gilid at mga puting rosas sa gilid nang daanan sa gitna. Pati ang upuan ay ayos na ayos rin, nilagyan pa nila nang tela ang upuan, Mga bulaklak na nakalagay sa upuan nang uupo.

Loving Universe // EDITINGMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon