Thirty-six ♥

12.5K 158 13
                                        

Chained

"Pinagtripan lang ako, pinagmukha lang akong tanga." umiyak si Universe sa harapan ng kanyang mga kaibigan

"Asan siya ha? uupakan ko talaga yon, sinabi nang wag niyang lolokohin si Universe tapos, Bwiset siya, Tae siya!" sigaw ni Kats at sinipa ang isang upuan na walang nakaupo

"Easy, Kats mahina kalaban. Baka naman may dahilan siya." sabi ni Seth

"Dahilan? Nanloko na nga diba!" sabi ni Kats, si Universe naman ay iyak lang ng iyak.

"Kasi sa ikinuwento ni Universe biglang tumulong luha sa mga mata, kung nantritrip yon edi tinawanan na siya non, tsaka magsasayang ba siya ng panahon na sundan si Universe dito sa Manila?" Sabi ni Seth kaya napaisip sila, bukod kay Universe na tulalang tinititigan ang kanyang hawak ng bote ng tubig.

"Puntahan kaya natin?" sabi ni Jc

"Dito lang kayo." nakatulala parin si Universe ng banggitin iyon.

"Sige dito lang kami, hindi ka namin papabayaan." Mas lalo lang naiyak si Universe.

Pero dumaan ang ilang oras nakatulog ito, kaya nanghiram sila ng kotse at tumungo sa bahay na tinutuluyan ni Meteor.

Nagulat sila, malaki at malawak ang bahay na iyon, halatang mayaman ang lalaki.

Sinalubong naman sila ng isang guard.

"Kuya nandyan ba si Meteor De Guzman?" sabi ni Jc

"Opo, ano pong kailangan niyo kay Sir?"

"Kaibigan niya kami." sabi ni Kats at inayos ang salamin niya.

"Teka lang po." may tinawagan ang guqrd at kaagd na binaba ito at tumingin sa apat.

"Isa lang daw po ang pwedeng pumasok sabi ng ibang maids."

"Ako na." sabi ni Kats, pumasok naman siya pero malaki ito qt hindi niyq alam kung nasaan si Meteor

"Ah ate, nasan po si Meteor?" sabi niya sa isang maid dun.

"Umupo nalang po kayo sa sofa, tatawagin ko po si Sir." nagantqy namqn siya, ang ibqng maid naman ay hinatiran aiya ng inumin at pagkain.

"Sir, pumuntq nalang daw po kayo sa kwarto, hatid ko nalang po kqyo." tumango naman siya at sumunod doon.

Dinala siya sa isang malaking pinto, puting pinto.

"Pumasok nalang po kayo mauna na ako." sabi ng maid at iniwan siya.

Kumatok siya pero walang sumagot, kinatok nalqng niya ulit ng mas malakas pero wala parin. Kumatok ulit pero mas wala parin.

Tinry niya nalang buksan ang pinto at bumukas naman iyon.

"Meteor... Meteor.." sabi ni Kats, at nililibot ng tingin ang buong lugar.

Malaki ang kwarto nito, kalahati na siguro ng bahay nila sa condo.

Sinilip niya ang kama pero walang tao, tinignan niya ang mga pictures sa wall.

Nililibot niya ito ng tingin ng makakita siya ng frama sa taas ng kama, Isang malaking frame.

Ang picture ni Meteor at Universe sa Bora, parang pinasadya itong pinagawa, malaki talaga ito.

"Anong ginagawa mo dito?" nakita niya si Meteor na kakalabas lang ng banyo habang nagpupunas ng bibig.

"Brad, kailangan nating magusap." tumaas ang kilay ni Meteor saka tumango, pinaupo niya si Kats sa isang couch sa kwarto.

Pinagtimpla niya din ito ng kape saka umupo sa harapan nito.

Loving Universe // EDITINGMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon