Forty-five ♥

8.4K 129 5
                                        

Album

"Gerald, Look! Dun tayo, King." sabi ko at dali daling hinila ang kamay niya papunta sa eiffel tower.

"Sa wakas, narating narin natin, napagod ako ah." sabi niya at inakbayan ako habang tinitignan ang magandang view doon

"Ang ganda no?" sabi ko at tumingala sa kanya

"Oo, pero mas maganda ka." sabi niya at kiniss ang ilong ko

"Tara, lapitan na natin!" sabi ko at hinila muli siya.

"1...2...3... Smile lovebirds!" sabi nang nagpicture samin.

"Thank you so much!" sabi ko at kinuha ang cellphone ko

Gagawa kami nang album nang mga pictures namin sa ibat ibang lugar, at ito ang unang picture

"Kain tayo?" sabi niya, tumango naman ako at naglakad kami papunta sa isang resto dito sa Paris, France.

Pumunta kami sa isang malaking resto ang Le Comptoir. Masarap daw dito kaya dito namin napili na kumain nang lunch nang king ko.

"Cheers!" sabi ko at nagtamaan na ang mga baso nang wine naming dalawa.

"Ilang anak ba gusto mo? Queen?" Tumawa siya sakin pagkatapos sabihin sakin yon, namula naman ako dahil medyo naiilang ako sa ganyang topic.

"Isang babae at isang lalaki, Gerald." sabi ko at sumubo nang meat. Masarap ang lasa nang pagkain nila kaya hindi naman ako mamayat dito.

"Sige, Ako nang bahala." sabi niya at ngumisi sakin. Tae ka, Gerald hahaha.

"Ah, Gerald. Pagkatapos nga pala nito san tayo?"

"Pahinga muna tayo sa hotel, please lang. Sobrang pagod na ako sa kakahila mo sakin, kung alam mo lang queen." kinurot ko ang pisngi niya

"Sorry, King. Sige, sa hotel na tayo didiretso pagkatapos nito!" Natapos kaming kumain at bumalik na kami sa hotel

Pagpasok namin sa hotel na ngayon lang namin napasukan dahil naggala na kami kaagad kanina.

"Ganda naman nang kwartong to!" sabi niya saka ako tinignan

"Hays, Pagod na Pagod na ako, Queen." sabi niya at dumapa sa kama.

"Ligo lang ako, King." sabi ko at naligo sa malaking bathroom.

Pagkalabas ko nanonood lang siya nang tv habang nakahiga sa kama. Pinunasan ko na ang buhok ko, nakabihis narin ako sa loob nang banyo.

Umupo ako sa harapan nang dresser, at nagblower. Nakita ko siyang tumayo at pumunta sa ref, at uminom nang tubig saka kumuha nang popcorn sa mini kitchen, bumalik siya sa kama at kinindatan ako. Hays, inlove na inlove na talaga ako sa asawa ko.

Tumingin nalang ulit ako sa salamin saka nagblower ulit. Nang matapos naman ako tumabi na ako sa kanya.

"Ano? Tara na?" sabi niya sakin at ngumiti nang nakakaloko?

"Anong tara pinagsasabi mo, King?" Kiniss niya ang noo ko.

"Gawa na tayo, Hahahahaha!" saka niya ako kiniliti.

Pervert Husband! Nagkilitian lang kaming dalawa, tawanan namin ang nangingibabaw sa buong kwarto, hindi ko na nga marinig ang tv.

Natapos ang taon nang 2014 at napuno ang album na plinano namin. Isa nalang page ang wala.

"King, ang cute natin dito sa Eiffel Tower oh! Pati itong nasa big ben tayo, at Mayon Volcano!" sabi ko habang ineexplore muli ang laman nang album na yon.

"Oy, nagtext na sila oh, padating na daw!" sabi niya at umakbay sakin.

Nagluluto kasi ako nang pasta, at kitang kita ko pa ang pagamoy niya sa niluluto ko.

Loving Universe // EDITINGMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon