Everything with him
"Sobrang hinihingal na ako, Gerald. San mo ba kasi dadalin?" sabi ko at napatigil sa pagod, kanina pa kasi ako hinihila nito.
"Worth it naman yung pagod kapag nakapunta na tayo sa mga pupuntahan natin." sabi niya nang nakangiti
"Mga? madami tayong puputahan? eh dito pa nga lang, mamatay na ata ako sa pagod."
"Bakit? Sa tingin mo hahayaan kitang mamatay at iwanan ako?" Napangiti ako, ganito pala nang klase si Gerald pag naging boyfriend mo.
Napakacaring, napakasweet, at syempre hindi parin mawawala yung pangaasar niya at kakulitan niya.
Hindi nagbago yung turingan namin sa isat isa, para parin kaming magbestfriends. Sobrang saya ko kasi siya ang first and last boyfriend ko na rin siguro.
"Nandito na tayo!" napatingin naman ako sa lugar. Ano to ha?!
"Ano to?" Isang malaking puno.
"Matagal na yang puno na yan, 200 years na siya at sa dumaan na panahon, nandyan parin siya nakatayo. Itong puno na to ay gusto ko maging saksi sa pagmamahalan nating dalawa. Witness siya sa kasayahan natin ngayon araw, Universe."
"Ang effort mo pala, Gerald."
Umupo kami sa blanket na nilatag niya at may hinanda pala siyang mga pagkain.
"Ano gusto mong tawagan?" sabi niya sakin.
"Babe? Baby? Bae?" umiling siya
"Gusto ko yung unique, katulad mo haha."
"Eh ano?" sabi ko sabay subo nang pancake
"Gusto ko.. Queen!" Napakunot yung noo ko, nagabang kung bakit yon.
"Bat Queen?" tumingin siya sa malayo
"Kasi ikaw ang queen ko, ikaw ang mundo ko at iniikutan nang mundo ko. Ikaw ang buhay ko, mahal na mahal kita Queen." Kinilig naman ako sa sinabi niya.
"Hahahaha eh?"
"Eh ikaw ano itatawag mo sakin?" Nagisip naman ako, ano nga ba?
"Boyfriend? Boyfiee? Ay wala ako maisip teka! Alam ko na, Everywhere! Hahaha joke peace!" wala talagang pumapasok sa utak ko.
"Alam ko na, Gerald!" Tumingin siya sakin
"King naman syempre." Tumingin ako nang nakangiti sa kanya.
"King kasi, ikaw ang partner at gusto kong makasama habang buhay. Nasa iyo na lahat nang hahanapin ko. Your my everything too, Gerald, My King." Naisip ko lang nasobrahan ata sa unique nang tawagan namin pero wala akong pake.
"Oh, Puno? Narinig mo naman diba? Madami pa kaming memories na ipapakita sayo ah? Wag bibigay, dyan ka lang!"
Hinila niya ang kamay ko.
"Sa next destination na tayo." Tumakbo nanaman kami, pero ayos lang na mapagod basta kasama ko siya, alam kong hindi niya ako papabayaan.
Sumakay kami sa kotse na walang bubong kaya naman damang dama namin ang hangin.
"Wooooooh!" sigaw ko sabay taas nang kamay.
"Universe, Queen. I enjoy lang natin ang bawat oras minuto at araw magkasama, wala tayong sasayangin na panahon, mahal na mahal kita."
"Oo, King. Wala tayong sasayangin." sabi ko at pumikit, sobrang saya nang nararamdaman ko.
Mga ilang minuto ang nakalipas nang tumigil kami sa isang park. Sa park na puno nang alaala.
![](https://img.wattpad.com/cover/11877886-288-k737029.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Universe // EDITING
RomanceTEMPORARILY NOT AVAILABLE DUE TO ON GOING CHANGES