Gerald and Universe
Gerald
"Can i have this dance?" sabi ko sa kanya sabay alok nang aking mga kamay
"Yes, you can have this dance." Dumampi na sa kamay ko ang kamay niya, nang nahawakan ko yun ay hinalikan ko iyon kaagad at unting unting nilagay sa balikat ko.
"Ayokong maramdaman mo na dahil magasawa na tayo hindi na natin pwedeng gawin yung mga ginagawa natin dati, gusto kong malaman mong walang magbabago, kung ano yung nakasanayan yun parin." sabi ko ngumiti nang labas lahat nang ngipin sa kanya
"Gusto ko ring malaman mo na hindi ako magsasawang iappreciate lahat nang effort na ginagawa mo para sakin, I love you.."
"I love you too.." Pinagdikit namin ang noo namin habang nasayaw nang mabagal.
Ang mga paa namin ay sinasabay sa malamig na kanta na sumasakop sa buong lugar.
Ang lugar na inihanda ko para sa kanya, gagawin kong memorable ang lugar na to.
"Takot akong mawala ka, Universe. Kaya wag mo akong iwan, wag kang mawawala sa tabi ko.."
"Hindi ako aalis sa tabi mo hanggat hindi ka aalis din sa tabi ko, Mahal na mahal kota kaya hindi kita iiwan, sa tingin mo sa kabila nang lahat magagawa ko pang iwanan tong lalaking nasa harapan ko, hindi ko kakayanin."
"Ako rin hindi ko rin kakayanin."
Dalawang minuto din kaming hindi nagsalita at nagsayaw nalang ang aming paa.
Nang matapos ang kanta ay inalalayan ko siya papunta sa upuan, kumain kami nang sabay.
"Namiss ko to, every anniversary nalang natin tayo nakakapagdate, sobrang busy tayo sa mga trabaho natin nung nakaraang araw, siguro dapat pantay lang diba?"
"Oo." Umuwi na kami nang matapos iyon,dahil may pasok ako bukas.
"King, nagovernight si Zia kay na Maddie, ayos lang?" tumango ako sa kanya at umakyat na sa kwarto namin, nagbihis at humiga sa kama, hinintay ko siya at natulog na kaming dalawa.
"Mommy, Daddy! Wake upppp!" Napamulat kami nang mata at nakita ang anghel namin.
"Bakit ang aga aga nangbubulabog ka, Princess?" sabi ko sa kanya at yinakap siya
"Nagluto po kasi ako nang breakfast para saatin, gusto ko na pong matikman niyo."
Hinila niya na kami paalis nang kwarto at dinala sa dining table.
Nakita namin ang niluto ni Princess na soup at mashed potato.
"Try it, mom, dad." Kinuha ko na ang kutsara at sumandok sa soup at nilasap ang lasa.
nagkatinginan kami ni Universe, sinunod ko ang mashed potato.
"Pwede ka nang maging chef anak, good job! Ang sarap!" tuwang tuwa naman si Princess sa narinig sa mommy niya kaya napakunot ang noo ko
"Bawas bawasan mo ang paglalagay nang maalat sa mga niluluto mo, Princess. Baka magkasakit tayo nyan, konting practice pa sa cooking at mapeperfect mo din yan." kumunot ang noo sakin ni Universe
Nawala ang ngiti ni Princess sa sinabi ko.
Pinagtyagaan namin ang niluto niya, nang natapos ay umakyat ulit ako sa kwarto dahil kailangan ko nang magbihis at maligo dahil kailangan na ako sa office.
"bakit mo naman sinabi kay Zia yon?" Sabi ni Universe pagkapasok sa kwarto
Nakaharap ako sa salamin, inaayos ang neck tie ko.
BINABASA MO ANG
Loving Universe // EDITING
RomanceTEMPORARILY NOT AVAILABLE DUE TO ON GOING CHANGES