5

25 1 0
                                    



KABANATA 5

Who's Xage M?

Breathtaking ang pag-escape namin palabas ng school. Maloloka ako! How can I describe? Para kaming nagcucutting class.

Kakatapos ko lang ng mga researches at power point para sa presentation. Thank God at mabiis natapos at hindi na din nagtanong-tanong si mama ng kung ano-ano pag-uwi ko.

Sinabi ko na din sa kanila na tuloy ang imbestigasyon according sa Real identity ni Xage. Gumawa pa nga ako ng GC, yeah ganyan ako ka-curious kay Xage. Go with the flow lang din naman ang mga kaibigan ko at mas gusto nga daw nila ng tinutulungan ako sa pag-investigate about him. Interested din naman kasi sila at hindi naman nagiging abala iyon para sa kanila kahit maraming pinapagawa sa school.

While reading my favourite romance book ay hindi ko maiwasang mapatili, kasi naman kinikilig ako sa bida.

Doon ko na-realize na sana kasim-perpekto ng mga love stories na kinukuwento sa libro ang iilang ganap sa realidad.

Hindi ako mapakali at paikot-ikot ng puwesto sa higaan dahil sa kilig, halos mahulog ang ulo ko at nagpatiwarik sa kama. Naka-bend tuloy ang ulo ko at lampas sa paahan ng kama. Biglang nawala ang kilig sa emosyon ko at napalitan iyon ng unti-unting pag-iyak. Paano kasi! BAKIT PA KASI KAILANGANG MAMATAY NUNG BIDA?!

Pagtagilid ko nang higaan ay nagulat ako sa tumambad sa harap ko. Nakita ko ito sa eye peripheral vision ko kahit nakatuon ang tingin ko sa libro.

Napakunot ang noo ko. Aba at nangaasar ba siya? Nakatungkod din ang braso niya sa higaan ko at nakatingin sa akin.

What?! Bakit ka nandito? magkasalubong ang kilay ko. Are you stalking me? tinaasan ko ito ng kilay.

Nabitawan ko tuloy ang hawak kong libro at ang nakakainis pa ron ay hindi ko nalagyan ng bookmark kaya hindi ko alam kung ano nga ba ulit ang pahinang binabasa ko.

What?! Ikaw, iistalkin ko? No way! Umiling- iling ito at humiga pa na parang feel at home.

Ang kulit din talaga nitong multong ito eh.

Hindi rin maitatangging nakakapikon.

Wow ha, pagkatapos mo akong iwan kanina don sa school tas ngayon susundan mo na lang ako.

Hindi kita iniwan, akala mo lang iyon pero sinusundan kita that time.

Nagulat ako nang may kumatok sa pintuan. Sunod-sunod ang pagkatok nito.

Anak, Syahrini?

Tarantang-taranta ako kung saan ko itatago itong kupalogs na ito. Puno kasi ang closet ko at hindi siya magkakasya ron, ang tangkad kaya niya.

Anak, open the door. Kumatok na naman ito. Nagugulo tuloy ang utak ko sa pagkatok niya, hindi ako makapagisip ng maayos.

Wait! Pinagtatabunan ko ito ng mga unan. Mamaluktot ka lang diyan ha? Magtago ka. Halos daganan ko ito.

Wala na akong maisip kundi ang tabunan ito ng kumot at takpan ng malalaking unan.

Pagkatapos ay agad akong nagmadaling buksan ang pinto at dinampot ko na din ang libro ko para maisip na mommy na ito ang reason kung bakit matagal kong nabuksan ang pinto. Pinatay ko rin ang ilaw.

Mommy naman eh, nagbabasa ako oh nakakainis istorbo ka naman. Umakto pa akong yamot, nagmukha tuloy exaggerated at pilit lang.

Binuksan nito ulit ang ilaw.

Inumin mo ito bago matulog. Pumasok itong may hawak-hawak na glass of milk at ipinatong sa night stand tsaka umupo sa gilid ng kama.

Mommy how many times did I say na hindi na ako bata?

Last Night ( Completed✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon