Iilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?

6 0 0
                                    

"Huy Jenny!"

Nang lumingon na si Jenny sa'kin finally after a couple of times calling her, bigla akong kinilig na parang babae. Sinimangutan niya ako, pero okay lang, ang kyut eh. "San ka? Library? Sabay na tayo." Sabi ko sa kanya, trying to sound casual tapos di pahalata na may motibo pala ang pagpansin ko sa kanya.

Tumango lang siya at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman ako sa kanya at tinabihan siya. Kahit paglakad lang sa tabi niya ay kinikilig na ako. Takte! Sa likod ng pag-iisip ko eh nasa altar na kami naglalakad!

"Hoy yang bungisngis na yan, may sasabihin ka nanaman ano!" Biglang pagputol ni Jenny sa imagination ko. "Kung isa nanaman yan sa mga biro mo, wag mo nalang sabihin." Sabi niya sabay irap.

Napakunot ako ng noo, "Wow Jenny, after 6 years sa tingin mo biro lang yun lahat? Kung alam mo lang talaga, kakainin mo talaga lahat yang sinasabi mo. Tsk."

Napabuntong hininga siya. "Eh kasi naman Mark, ilang ulit ko nabang nasabi ko sayo na tigilan mo na yang sinasabi mo na panliligaw. I can't allow anyone to court me, I'm telling you. If this gets to my parents--"

"They'll kill me, blah, blah." Sinumpayan ko. Narinig ko na yan na rason. i don't ever think there are parents who would kill their children for something like this. Sadyang ang OA lang talaga ni Jenny.

Maybe kung ga-graduate na kami, okay na akong manligaw sa kanya?

Hindi ko namalayan, nasabi ko pala yun in actual. Kasi naman, bigla ako hinampas ni Jenny tapos sabay pula ng mukha. "Wag ka nga! Kung makadesisyon ka kala mo ikaw ako!" Tumakbo ito bigla at iniwan ako sa ere. Di pa nga natapos nag-process yung mukha ni Jenny na namula dahil nasabi ko yung mga naiisip ko...

Namula si Jenny?

Dahil sa sinabi ko?

Hindi ko namalayan, namula din ako sa naiisip ko. Eh kasi naman, kung ganun yung reaction ng tao, edi nahihiya siya? Tumakbo nga eh, umalis. So meron siguro ano?

"Mark!"

Napalingon ako. Si Kris at Jessie nanaman. Hindi ako nakasagot sa tawag nila dahil patuloy akong natulala sa aking napagtanto. "Huy Marky, okay ka lang ba?"

"Pusta tayo Kris, tinanong nanaman niya si Jenny?"

"Hmm...then dun ako sa nasabi niya kung ano ang naisip niya."

"Deal. Cornetto ha."

"Easy. Cheezy na pinakamalaki."

"Ewan ko sa inyo." Bigla akong nainis dahil pareha silang tama. Actually hindi ko naman tinanong si Jenny about sa panliligaw ko sa kanya. She saw right through me like an open book. And well, she gave me her answer.

But still, kung nagreact siya ng ganun, bakit may feeling ako na may chance pa rin ako sa kanya?

MY CHOICE AND MY HAPPINESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon