Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo

3 0 0
                                    


"Everyone, go to your partners."

Napatingin ako sa teacher namin sa Practical Research, si Ma'am Louise. Nagsimula nang tumayo ang mga kaklase ko at tumungo sa mga partner nila sa Research. Suddenly na lang, bumungad ang mukha ni Jenny sa harap ko.

"Huy."

Napa-blink ako, "Oh?"

"Research daw. Natapos ko na yung Chapter 4. Check mo ngayon or isesend ko nalang sa Gmail?" Sabi niya habang nilalapag yung laptop niya. Kinuha ko yung akin. "May flash drive ka ba?"

"Oo. Ilalagay ko nalang sa flash drive ha, wait lang."

Ayun, naghintay ako. Pero palagi naman akong naghihintay eh.

Naisip ko nanaman ang topic namin kahapon nina Kris at Jessie. Titigilan mo na ba? Iiwasan mo na ba si Jenny? Nakakaloka naman. Halata na kasi. Makikitang-makikita mo kasi na ayaw na ni Jenny sa akin, or rather, parang forced nalang yung pagpansin niya sa akin. Magkaibigan nga kami, ako lang ang nakakaisip na sana magkaibigan kami.

SIGH.

"Huy, okay ka lang? Ba't problemado ka?" Biglang sabi ni Jenny.

Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi. "Ayie, concerned ka no?"

"Aba, taas ng confidence mo no?"

Ningitian ko siya. "Bawal ba? Alam mo naman na gusto kita eh." Shit. Bakit ko ba sinabi yunnnn? ANG TANGA-TANGA MO TALAGA, MARK.

"Che!" Inirapan ako ni Jenny, "Heto! Yung flash drive! Magtrabaho ka na!"

Tinawanan ko na lang ang pagtaboy niya at nagsimula nang icheck yung research namin. Namangha ako sa nagawang trabaho ni Jenny, pero narerealize ko na mas lalo 'kong nagugustuhan siya. PERO mas lalo 'kong narerealize na wala talaga akong pag-asa para sa kanya.

"Oh kamusta?" Tanong niya while leaning to my direction. It would look like na ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Namula ako ng husto at iniwasan siya ng tingin. Things like this makes me believe that maybe I do have a chance but...

Siopao ka lang talaga. Asadong-asado!

"Okay lang ako, Jenny. Walang problema so far." 

MY CHOICE AND MY HAPPINESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon