Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
"Wow Mark! Kelan ka pa natutong magsulat ng lyrics?"
"Tae, daig mo pa si Yoyoy Villame."
Napakamot ako sa ulo. Grabe naman to sila. Tinawag ko pa silang kaibigan eh kung maka Yoyoy-Villame 'tong si Jessie. "Wow, sige, alangan naman abutin ko yung level ni John Legend aba hampasin kita ng gitara eh." Galit kong satsat sa kanya.
Tinawanan ako ni Kris. "Uy ano ba, okay lang yun no!" Bigla siyang umubo to clear his throat. Ano nanaman ang naisip ng mokong to? "Your words, and I quote, "Effort is attractive,
Effort is the greatest indicator of interest,
And effort is a reflection of one's interest." Nahiya ako bigla. Alam ko na totoo yun, at nasabi ko yun dahil sa nararamdaman ko. Pero out of the blue yun eh! Tipong nasabi ko lang dahil nadala ako sa feelings ko! Shet, bigla akong namula dun. Kasi eto namang si Krissha eh ineexaggerate pa niya ang pagsabi ko nun.
"Hoy hindi ganyan yung pagkasabi ko nun!" Hinampas ko siya ng papel na hawak ko. "Mukha naman akong si Balagtas niyan eh!"
Tumawa siya. 'Tong babae to no! "Sorry na. Pero anyway, like what you believe, go ka lang ng go! Mahal mo na nga si Jenny diba?"
Sigh. Mahal na mahal. Kung kasing galing ko nga lang si John Legend edi 6 years ago pa, tunay na legend na talaga ako. Napatingin ako sa papel ko na may lyrics. Medyo korny nga at mukha ngang novelty song.
"Huy." Biglang tapik ni Jessie. "Earth to Mark? Bigla ka nanamang lumisang Planet Jenny?"
"Bastos to oh, nagsasalita yung tao eh." May padabog-dabog pang nalalaman si Krissha. Aba tong mga lecheng to.
Nanginit yung mga pisngi ko. "Grabe kayo ha!"
"Basta Mark, don't give up." Kumuha ng vacant chair si Jessie at sumunod si Krissha. "Nandito naman kami eh." Ningitian ako ng mokong sabay turo sa kanilang dalawa ni Kris.
"Hindi man kami kasing galing ni Charlie Puth o sino ba, pero tutulungan ka namin." Nagsmile din si Kris. Medyo natatats ako. Shet naman. "Pero wag kang aawat ha! Kung di lang tayo barkada eh pababayarin talaga kita ng talent fee ko!"
"Wow, ikaw, may talent fee?"
"Oo naman! Kahit papaano, mahal ko ang music."
"Mahal lang ang music, pero wala kang talent, ulol."
"Aba't ambastos mo ah!"
Nagsimula ng magtalo ang mga isip bata, pero napangiti ako ng hindi ko namalayan. Di ko alam, nakakagaan sa pakiramdam na meron akong mga kaibigan na kahit gaano kalakas mambadtrip eh nandyan naman sila palagi para sayo,
Kaya hoy Jenny, maghanda ka. May libre akong concert, para lang sayo.
BINABASA MO ANG
MY CHOICE AND MY HAPPINESS
Short StoryI'm stuck between giving up or try harder. I'm stuck between taking the risk or losing this chance. It's a battle of happiness and self-worth. It's where Mark tries to get all Jenny's attention with what he can only do. But the question is, is it en...