Tatlong oras na akong nagpapacute sa'yo

5 1 0
                                    


Have you ever noticed the time becoming painfully slow when you're bored and incredibly fast when you're happy?

Because well, I do. Always. For 6 years.

Hindi naman kami laging magkasama ni Jenny. Ni hindi ko nga siya basta-basta malapitan kasi feeling ko para akong abno. Kahit ano nalang nasasabi ko, tapos fail naman palagi ang kalalabasan. Pero kahit papaano, kapag nasa linya ng tingin ko si Jenny, parang buo na araw ko.

Kaya alam niyo ano ang pinakabest na subject every day?

Specialization. By strand classes. HUMSS.

For three straight hours.

"Mark, tara na." Biglang sabi ni Jessie. "At magdala ka ng notebook para hindi ka nalalata dun na walang ginagawa kung hindi magpacute kay Jenny." Sinimangutan niya ako.

Napakamot ako tuloy sa hiya. Papressure kasi tong gagong to. "Kaibigan ba tayo? Ba't mo ko nilalaglag?"

"Hindi kita nilalaglag, wag ka nga lang magpacute kung manghihiram ka lang pala ng notes tuwing may quiz,"

"First of all, nagsusulat ako ng notes." Hinampas ko sa kanya yung mala-bibliya kong notebook dahil sa rami ng sinusulat. "Second, one time ko lang hiniram yung notes mo! Parang sinasabi mo ha na palagi akong nanghihiram. Tapos third,"

Kumunot ang noo ni Jessie. "Ano?"

"Wala, wala." Sasabihin ko sanang pagbigyan ako sa pagpapacute kay Jenny. Pero nahihiya ako. Mukha akong tangang tingnan eh,

"Oh basta bilisan mo, bitbitin mo na yung notebook mo. Ibaon mo na din yung mga jokes mong korny malay mo makatawa si Jenny nun kahit once or twice man lang, edi plus points?" Ningisihan ako ni Jessie. Nakakagaan sa loob, kaya napangiti din ako.

"Sige tol, wait lang." Kinuha ko na yung notebook ko at nagsimula na kaming maglakad ni Jessie papuntang room ng specs namin. Hindi namin kasama si Krissha kasi ABM yun. Kahit papaano, hindi ko din inakalang HUMSS din si Jenny, At first, gusto kong pumasok sa strand na nandun si Jenny, kaso ayokong magmukha na para bang pabaya ako sa pag-aaral ko, kaya pumasok ako kung saan kumpyansa ako. Tapos by the blessings of the Heavens, nasa-HUMSS pala si Jenny. Ayos no? Ipinagtagpo siguro talaga kami eh!

Speaking of the angel, nauna pala si Jenny, kasama si Chacha, yung kaibigan niya.

"Uy nandyan si Mark oh!" Biglang sabi ni Chacha na patawa. Hindi lumingon si Jenny.

Nakatawa ako tuloy. Tatlong oras sa Specialization, tatlong oras magpapacute sa kanya. Nagpapacute nga ako pero ang laswa naman. Pero si Jenny? Ang cute talaga ng nilalang na to. Alien siguro itong si Jenny, napaka-out of this world. 

MY CHOICE AND MY HAPPINESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon