Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko

3 0 0
                                    

"Uy may sale sa Regatta ngayon oh!" Sabi ko sabay turo sa Regatta sa SM.

"Bibili ka nanaman? Kakabili mo nga lang ng Oxygn last week dahil nagsale sila!" Nakasimangot na sabi ni Krissha sabay hampas sa balikat ko. "Ba't ang yaman mo?"

"Oo nga, hindi na ata kakasya yang mga damit mo sa cabinet mo eh." Natatawang sabi ni Jessie. Aba, 'tong mga to.

"Tantanan niyo nga ako!" Galit kong sabi. "Maging supportive naman kayo! Syempre para naman gwapo ako sa paningin ni Jenny!" Bigla akong napangiti sa pangalan ni Jenny. Naks, kung magagwapuhan nga yun sa akin! Shems.

"Hoy bakla, si Jenny nanaman?" Tinaasan ako ng kilay ni Kris. "Bakit ba palaging para kay Jenny? Di ba pwedeng para sayo nanaman? Regaluhan mo yung sarili mo! Di lang puro Jenny, Jenny--napapansin ba niya yung mga bagong damit mo?"

Natahimik ako dun. Totoo ngang hindi niya yun napapansin, eh hindi nga niya napapansin yung mga pinanggagawa ko para sa kanya eh. Bakit kasi, napakamarupok ko naman. Gustong-gusto ko kasi si Jenny eh. Parang kahit anong gawin ko, kaya ko basta siya.

"Hayaan mo na Kris. Siya lang din makarealize niyan." Ningitian ni Jessie si Krissha, pero ang bruha nakasimangot padin. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko na din namalayan na nakatingin pala si Jessie sa akin.

"Suporta kami sayo para kay Jenny, Mark. Alam namin na todo effort ka para sa kanya. Pero isipin mo din sarili mo, kasi sa tingin ko, unti-unti kang nawawala. Nauubos na ata ang lahat ng ikaw dahil lang kay Jenny."

Hindi na talaga ako nakapagsalita. Gusto kong mag-explain na hindi naman sa ganun. Pero di ko alam, hindi lalabas yung mga salita sa bibig ko. Nakaungot lang siya sa lalamunan ko, tila ba parang naging goldfish ako dahil sa sinabi ng mga kaibigan ko.

Six years. Wow.

"Basta ha, wag kang iiyak sa'min kung masasaktan ka lang!" Naiinis na sabi ni Krissha. Pero for sure, she doesn't mean it. Napaka-caring kasi ng bruha to, hindi nga lang honest kasi mahiyain din siya in a way.

Napangiti na lang ako sa thought kahit medyo naguiguilty ako. "Ayieeeeeee, mahal mo naman ako ee."

"Swerte ka." Galit niyang sabi, sabay irap sa akin at inunahan kami ni Jessie. Napatingin ako kay Jessie at napangiti din sa kanya. "Salamat Jessie ah."

Nag-chuckle siya, "Walang anuman. Swerte ka talaga kasi supportive kami."

Gumaan ang pakiramdam ko habang inurong ko yung mga second thoughts ko. In the end, hindi na kami pumunta ng Regatta pero nalibre ko sila. Kahit ngayon lang, tulad ng sinabi nila, pinagbigyan ko naman ang sarili ko. Nag-arcade kami at kumain, kami lang tatlo. Kaya in a way, naging masaya naman ako na hindi kasali si Jenny. Okay lang yun diba? 

MY CHOICE AND MY HAPPINESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon