"Uy Ate Rose, palibre naman oh!"
Lunch na at nandito kami ila Ate Rose, yung isawan na nasa tapat lang ng paaralan namin. Suki na suki kami mga students dito kaya naman close kami ni Ate. "Anong libre--wala nang libre ngayon!"
Napakamot ako sabay tawa. "Sungit naman! Ate, dalawang isaw po tsaka kanin." Sabi ko sabay abot ng bayad.
"San yung mga kaibigan mo? Si Jess? Kris?"
"Ah, nasa loob po. May baon palagi si Kris. Si Jessie naman, mayaman kasi karenderya yung gusto."
"San yung crush mo?" Sabi ni Ate Rose. Namula ako dun. Oo, alam ni Ate Rose na matagal ko nang crush si Jenny. Mahilig sa tsismis kasi si Ate eh, kaya ayun, umabot sa kanya ang tsika at sa di namalayan, nastory ko sa kanya ang historya ng feelings ko at nacoconfide ko na din kay Ate yung mga kilig at hinayang moments ko tungkol kay Jenny.
"Di ko po alam." Simple kong sabi sabay subo sa kanin at isaw.
"Sure ka?" Napatingin ako kay Ate at ningitian niya ako ng sabay taas ng kilay. Napatawa ako. "Hindi ko naman talaga alam."
"Ehem."
Napauntol ako sa gulat. Familiar kasi yung pekeng pag-ubo kaya ako mismo napaubo. Nanginit ako bigla at napatingin ako sa likod ko. "Uy Jenny! Ikaw pala yan!"
For the first time in a while, ngumiti siya ng natural. "Uy Mark. Ikaw lang? San si Jessie?"
"A-Ah oo, kasama niya sila Arvin eh. Eh ikaw? San si Cha?"
"Actually, kasama niya din si Arvin." Tumawa siya at para bang natunaw ako. ANG CUTE BAKIT BA.
"Anong meron kay Arvin na wala sa atin?" Sinubukan kong magjoke naturally sabay tapos ng pagkain ko. AAAAAAAAAAA, medyo kinikilig ako, takte!
"Magaling siya sa science?"
Tumawa ako. Totoo nga, magaling sa Science si Arvin. Eto kasi si Jenny, English. Ako naman Math. Bestfriends kami ni Jessie kasi Math din ang galing nun, then si Cha ay CLVed. Baka plano niyang mag-madre, who knows.
"Uy, gusto mo ng isaw?" Di ko alam bakit ko yun sinabi, parang out of habit na din kasi si Jenny to eh. "Libre kita."
"Wag ka nga. Para dagdag points kuno?" Sinimangutan niya ako. "Tigilin mo na ako Mark ha. Hinding-hindi kita sasagutin."
Ouch naman.
Bumili ng mabilis si Jenny ng isaw at lumisan na din, iniwan akong mag-isa sa isawan. Tiningnan ko si Ate Rose na nakalimutan kong kausap ko pala before dumating si Jenny. "Oh, wag mo 'kong i-judge Ate Rose." Napabuntong hininga kong sabi.
Tinawanan niya ako. "Baka gusto mo nang mainit na mantika? Para makalimutan mo na kung gaano ka pait love life mo."
Hays, be positive na nga lang. Tumawa din ako sabay kuha pa nang isang isaw. "Grabe ka naman Ate!"
BINABASA MO ANG
MY CHOICE AND MY HAPPINESS
Short StoryI'm stuck between giving up or try harder. I'm stuck between taking the risk or losing this chance. It's a battle of happiness and self-worth. It's where Mark tries to get all Jenny's attention with what he can only do. But the question is, is it en...