Sa wakas ay sumapit na rin ang graduation day nila. Ang lahat ay sobrang saya dahil gagraduate na, pero iisa lang ang malungkot sa kanila.
"Let me call on our salutatorian to give her speech." Biglang tawag nang teacher nila. Nasa harapan sila naka-upo. Magkatabi sina Tof at Neneng habang lungkot na lungkot ang mukha ni Neneng habang naiiyak. Natanggal na ang make up niya sa kaka-iyak niya. Hindi siya pinapansin ni Tof, wala silang imikan sa isa't-isa. Pagkatawag kay Neneng, tumayo na siya at nagbigay nang speech. Halos lahat ay naka-focus sa pakikinig sa speech niya habang umiiyak sa harap. Sya lang yata ang gagraduate na sobrang lungkot. Hindi niya matanggap dahil alam niyang binigo niya ang ama niya. Pagkatapos niyang mag-speech ay bumalik siya sa upuan niya at panay tulo nang mga luha niya.
"Now, let me call Mr. Christof Ochua to give his valedictory message." Sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga tao. Nag-checheer up ang ama ni Christof pati ang mga kapatid niya, mas lalong naiyak si Neneng nang sumigaw ang ama ni Christof na proud na proud siya sa anak niya. Never pa niya atang narinig ang ama niyang sinabihan siyang proud ito sa kanya. Tahimik lang siyang umiiyak sa tabi habang nagsasalita si Christof sa harapan.
"Congratulations anak." Bati sa kanya nang Nanay niya.
"Salamat po Nay." Napatingin siya sa ama niyang medyo malayo ang distansya sa kanila na nakatayo lang habang nakatalikod. Tumingin siya sa nanay niya na malungkot ang mukha.
"Okay lang 'yan anak, proud pa rin naman kami sa'yo eh. Ikaw naman ang salutatorian. Hayaan mo na muna tatay mo. Alam ko proud pa rin sa'yo 'yan."
Nasa likod pala si Christof. Narinig niya ang pag-uusap nina Neneng at ang ina nito. Nakaramdam siya nang awa kay Neneng. Na-isip niya na sana naging humble nalang siya at hinayaang si Neneng nalang ang naging valedictorian nang klase. Gusto niya sanang lapitan si Neneng para e-congratulate ito. Inaamin niya sa sarili niya na kahit hindi na sila nagpapansinan nito ay may nararamdaman pa rin siya para dito kahit nasa murang edad pa lang sila.
Pagkatapos nang graduation nila ay 'yun na ang huling pagkakataong nakita niya si Neneng. Ngayon,nasa kolehiyo na si Christof at Marine Engineer ang kinuha niyang kurso. Mga ilang buwan na siyang nasa kolehiyo at second semesterna nang tila namimiss niya ang pagiging high school student. Na miss niya ang mga kaibigan niya, sina Stephen at Mike na nasa ibang lugar na nag-aaral at lalong-lalo na na miss niya ang pagsusungit at pagmamaldita ni Neneng sa kanya. 'Nung graduation day nila, halata niyang umiiyak si Neneng at malungkot ito. Gusto niya itong kausapin, e-comfort, bigyan nang panyo pero natatakot siyang baka singahalan siya nito at sisihin. Wala siyang idea kung saan na ito nag-aaral ngayon at kung anung kurso ang kinuha nito pero ang alam niya, siguro masaya na si Neneng ngayong wala na siya sa buhay niya. Ngayong wala siya bilang ka-kompetinsya nito.
Palabas siya nang room niya habang dala-dala ang mga notebook niya.Inayos niya ang mga dala niyang notes habang naglalakad nang nakayuko nang biglang........
"Arayyyy!" sigaw nang isang babaeng nabangga nyapero napayuko agad itohabang pinulot ang mga gamit niyang nalaglang.
"Miss I'm sorry."Napakamot siya nang ulo. Tiningnan niya ang babaeng nakayuko habang pumupulot nang gamit.
"Anu ba 'yan ang lalim 'yata nang iniisip ko. 'Yan tuloy nakabangga ako." Kausap niya sa sarili niya.
"Miss, sorry ulit."Aakmang tutulungan niya sana ito ngunit napanganga siya nang pag-angat niya nang ulo at makita ang babaeng nakabangga niya. Nakatitig ito sa kanya na tila natutulala.
BINABASA MO ANG
The Competition *****Under Editing and Revision*****
Teen FictionMatalino ka, matalino rin siya. May gusto siya sa'yo, pero kakompetinsya mo siya. Anu ba ang tanga mo, mahal ka nang tao oh pwede wag nalang kayong magtalo? Dalawang studyanteng nagkompetinsyahan at nagkagalitan pero hanggang iyon ang naging daan...