Chapter II

228 14 7
                                    




           

Lalong naiirita si Neneng kay Christof, paano naman kasi tuwing sumasagot siya at kapag may nasabi siyang labag sa opinion nito ay nagkakasagutan sila hanggang na-uuwi sa debatehan ang kanilang klase.

"Nhizee, pasensya na talaga kanina ha kasi pina-iral ko lang naman ang kung anu ang alam ko eh."biglang sabi nito sa kanya nang palasabas na sila nang class room. Nakasunod ito sa kanya. Hindi niya ito pinapansin habang nagsasalita. Salita pa rin ito nang salita kaya hinarap niya ito.

"Alam mookay lang tsaka isa pa, pwede wag kang sunod nang sunod sa'kin. Para ka naman kasing buntot eh at ayaw kong may sumusunod sa'kin dahil niirita ako." Sagot niya dito sa mahina ngunit nagagalit na tono.

"Sorry na Nhizee, gusto ko lang naman makipag-kaibigan sa'yo eh."

"Wala akong panahon makipag-kaibigan sa'yo, okay? Kaya pwede ba, umalis ka sa harap ko at wag mo ako kakausapin?" nagdadabog na umalis siya.

"Neneng, anu ba kasing gagawin ko para kaibiganin mo ako?" ang nakasunod na naman na si Christof, tumatakbo ito sa sobrang bilis nang paglalakad ni Neneng.

"Ayoko ko sa'yo, alam mo kung bakit? Kasi ka-kompetinsya kita, lagi kang tumututol sa mga sagot ko. Alam mo kontrabida ka sa buhay ko eh."

Bigla umalis si Neneng habang nakatayong tulala lang si Christof na nag-iisip. Dumating ang dalawang kaklase niyang naging kaibigan niya, sina Stephen at Mike.

"Alam mo pare, ang hirap-hirap maging kaibigan ni Neneng eh. Alam mo ba yun?" nag-usap-usap sila nang mga kaibigan niya habang nasa Math Park sila nagbobonding pagkatapos nang klase nila sa isang subject.

"Pare, ganyan talaga yan. Kahit noon pa, wala yang ibang alam kundi puro aral at aral lang. Ni sina Ella at Kris lang nga ang kaibigan nyan and besides, wala yang panahon makipag-bonding kahit sa mga kaibigan niya." Sagot ni Stephen habang hawak-hawak ang gitara niya.

"Ganun ba, pare? Kinausap ko nga siya kanina eh kaso ang sabi niya, kontrabida lang daw ako sa buhay niya."Sumbong ni Tof sa kanila habang nakatanaw sa malayo. Seryoso ito pero tinatago niya lang ang nararamdaman niya.

"Naku pare, mag-iingat ka sa pananalita mo sa kanya. Alam mo suplada yan lalo na kung ayaw niya sa isang tao at lalong-lalo na kung kakompetinsya niya sa grades, lalo na ikaw."Sabay turo sa kanya ni Mike. Habang parang sinasabi nito na beware of Neneng.

"Pero feel ko pare, mukhang mabait naman siya eh. Kaso nga wala siyang panahon sa pakikipag-kaibigan kasi nga puro nalang pag-aaral. Ako nga eh, na-babalance ko naman panahon ko sa pag-aaral at sa mga kaibigan ko ah."Ani Tof sa mga kaibigan niya.

"Eh pare, she's a type na ganyan kaya hayaan na muna natin siya. Siguro hindi pa talaga niya alam ang word na bonding o kaya kasiyahan."sagot ni Stehen dito.

Pagkatapos nilang magtambay sa Math park ay pumasok na sila sa klase nila.

Nasa Math Class sila. Nang dumating ang teacher nila ay nagbigay ito nanginstruction tungkol sa activity nila.

"Class, let's divide our team into two and choose who will be the leader of your team. This would be row one for Team one, and row two for Team two." Sabi nang teacher nila sa math habang tinuturo ang mga rows nila.

"Each leader would represent their answer on board. I'll give you the paper and just a five minutes to solve your answer. After solving , present your solution on the black board. Did you get my instruction?"pagkaklaro nang teacher nila habang nakaharap sa kani-kanilang grupo.

The Competition  *****Under Editing and Revision*****Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon