"Talaga Neneng? Sinasagot mo na ako?" ang biglang sabi ni Jude, ang nanliligaw kay Neneng na classmate nang pinsan niya nang makipag-kita siya dito sa Math Park.Ang lapad nang ngiti nito hanggang taenga. Mula nang nanligaw ito kay Neneng ay lagi na itong nangungumusta at may pinapadala sa pinsan niya na kung anu-ano. Mga isang linggo ang nakalipas ay sinagot ito ni Neneng. Isa ito sa mga paraan ni Neneng para tantanan siya ni Tof. Alam niyang ito ang dapat niyang gawin.
"Oo na nga di ba?"ang nakatitig na si Neneng.
"Yes, yes! Thank you, thank you talaga Neng, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya." Sabay yakap nito sa kanya. Nagplano siyang sagutin si Jude para iwasan siya ni Christof, hindi sa ayaw niya kay Tof pero galit siya dito dahil kakompetinysa niya ito. Sinabihan niya ang pinsan niya na makikipagkita siya dito. Mabait naman na tao si Jude kaya naisipan niyang sagutin ito dahil medyo matagal na naman itong nanliligaw sa kanya. Lagi na niyang iniiwasan si Tof mula 'nung nangyari sa Valentines at 'nung magbibigay sana ito nang card sa kanya. Alam niya ang ibig sabihin 'nun kaya umiiwas na siya dito habang maaga pa.
Nang huli siyang lumabas nang klase sa Science at hindi na napigilan ni Tof ay nilapitan na niya si Neneng.
"Neneng, bakit ba umiiwas ka sa'kin? Kausapin mo naman ako oh."nagsusumamong pakikipag-usap ni Tof sa kanya.
"Tof, I'm sorry."Sabay niyang sabi at umiwas dito. Tinalikuran niya si Tof.
"Bakit nga, bakit di mo tinaggap ang bigay ko sa'yo noon. Kung tungkol lang doon ang kinagagalit mo, sorry na Neng. Di ba magkaibigan na tayo? "
"Christof may boy friend na ako, okay?At kung tatanggapin ko 'yung ibibigay mo, siguradong magaglit siya sa'kin. Kaya hindi ko matatanggap 'yung ibibigay mo sa'kin."
"Ha? Kelan pa?"nabigla si Tof sa sinabi ni Neneng.
"Kahapon."Yumuko siya habang sinasabi iyon. Hindi niya alm kung bakit at papaano pero biglang bumilis ang tibok nang puso niya nang sabihin niya iyon kay Tof.
"Kahapon? Ang bilis mo naman 'yata Neng. Sino?"tumawa ito nang pagak.
"Si Jude, kaklase nang pinsan ko."
"Ah, ganoon ba? Sige pasensya na, hindi ko alam. Tatapon ko nalang 'yun."Sobrang nasaktan si Tof sa biglaang sinabi ni Neneng sa kanya. Noong isang linggos pa nga lang sila medyo naging magkaibigan at nag-uumpisa na siyang ligawan ito, ngayon bigla niya nalang nalaman na may boy friend na pala ito. Hindi niya alam kung paano nangyari 'yun. Pabigla-bigla ang desisyon ni Neneng.'Nung una pa lang niya itong nakita, na-love at first na siya dito lalo na nang patunayan nito na matalino siya. Gusto niya ang isang babaeng seryoso sa pag-aaral kaya nga nagdesisyon siya noon na kompetinsyahan ito at patunayan ang sarili. Nang nalaman niya ang dahilan nito kung bakit ginagawa ni Neneng 'yun, gusto na niyang magpakumbaba para 'wag nang makipag-kompetisyon dito. Pero ngayong nalaman niya ang biglaang desisyon nito na pag-iwas sa kanya,inaamin niya sa sarili niya na nasaktan siya nang sobra.
"Neneng, natural lang ang nakita mo na nasaktan si Christof sa ginawa mo. Matalino ka, matalino rin siya. May gusto siya sa'yo, pero kakompetinsya mo siya. Anu ba ang tanga mo, mahal ka nang tao oh pwede wag nalang kayong magtalo?" Sabi nang kaibigan niyang si Ella habang nasa canteen sila nagtatambay pagkatapos nang second period nila.
"Ella, hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinsabi mo?"
"Neng, 'wag ka ngang maging tanga. Hindi mo ba nahahalata? May gusto sa'yo 'yung tao oh. Kaya nga may inamin si Stephen sa'kin na nagpagpalitan daw sila nang broken heart ni Christof 'nun. Actually si Stephen naman talaga dapat ka-partner mo kaso nagpalitan sila ni Tof." Ang pag-aamin ni Kris sa kanila.

BINABASA MO ANG
The Competition *****Under Editing and Revision*****
Teen FictionMatalino ka, matalino rin siya. May gusto siya sa'yo, pero kakompetinsya mo siya. Anu ba ang tanga mo, mahal ka nang tao oh pwede wag nalang kayong magtalo? Dalawang studyanteng nagkompetinsyahan at nagkagalitan pero hanggang iyon ang naging daan...