Chapter III

164 16 2
                                    




"Neng, sorry na."hingi nang paumanhin ni Tof dito habang nakasunod na lumalakad kay Neneng. Galing silang guidance councilor na parehong napagsabihan.

"Christof naman kasi, wag ka kasing sunod nang sunod sa'kin. Lagi tayong nadidisgrasya eh."Naiirita na namang sagot ni Neneg dito habang binibilisan ang paglalakad.

"Hindi naman kasi kita sinusundan eh, talagang hindi ko sinadyang pumunta nang library kanina. Ni hindi ko nga alam na andun ka. May ni-reresearch lang kasi ako kanina kaya ako napapunta doon pero hindi ko ala na andun ka."Nakasunod pa rin siya dito.

"Oo na, what I mean is like ngayon. Pwede dumistanya ka muna."Hinarap ito ni Neneng kaya napatigil sila nang paglalakad. Nasa corridor silang dalawa. Mabuti at class time na kaya wala na masyadong estudyante.

"Akala ko ba magkaibigan na tayo?"tanong nni Tof sa kanya habang nakatingin ito.

"Christof, oo magkaibigan na tayo. Pero hindi ibig sabihin 'nun close na tayo, okay?"

"Oh sige, hindi kita susundan lagi. Magkaibigan na tayo kaya wag mo na ako sungitan para hindi kita susunod-sunurin, oh anu? Deal?"nakathumbs-up na tanong ni Tof sa kanya.

"Deal. Oh anu pa ginagawa mo sa harapan ko?" taray ni tanong ni Neneng sa kanya habang nakataas ang isang kilay nito.

"Wala, sige kita nalang tayo next class. May pupuntahan lang ako. Salamat pala."

Tumango lang si Neneng dito. Sabay talikod ni Tof at lumakad paalis.

Pagkatapos nang second grading nila ay nag-aanounce ang teacher nila kung sino ang mga topnotchers nang klase sa second quarter. Nakaharap sila dito lahat at matamang nakikinig. Excited ang lahat sa resulta maliban kay Neneng na kinakabahan.

"Class, let me announce you the top one of our class in our second grading is......"

Nakapikit si Neneng.

"Mr. Ochua! Let's give him a round of applause." Nagpalakpakan ang lahat. "And our top two is Ms. Flores. Our top three is Ms. Perez." Announce nang teacher nila sa second grading nila.

"Tol, congrats." sabay saludo nang kaibigan niyang si Stephen at Mike nang palabas na sila nang class room.

"Thanks pare." Sabay tango sa mga ito. Napalingon siya ka Neneng.

"Neng, okay lang yan. Top two ka naman eh tsaka second grading pa naman." Narinig niyang pag-uusap nang mga kaibigan ni Neneng. Kakausapin niya sana ito kaso baka magalit ito sa kanya. Kitang-kita niya ang lungkot sa mukha nito.

"Pare, bakit grabe ang lungkot ni Neneng kanina? Kitang-kita ko kasi eh." Habang nasa Park sila nang mga kaibigan niya tumatambay.

"Tol alam mo kasi yang si Neneng mula First year pa kami, sanay kasi yan na laging siya ang top 1 nang klase. Kasi alam mo gusto kasi nyan na sobrang proud ang tatay niya sa kanya. Kaya ginagawa nyan lahat para maging proud tatay niya sa kanya." Sagot ni Mike.

"Oo Tol, kaya nung nag-aanounce si Teacher kanina na ikaw ang Top one at Top two lang siya kaya naging malungkot yun, ayun oh." Sabay turo kay Neneng na tahimik na naglalakad, malungkot ang mukha samantalang nagmamasid sa mga estudyanteng masayang nagbobonding sa park. Medyo kalayuan lang sina Christof kaya hindi sila masyado makita ni Neneng dahil natatabunan sila nang malaking akasya.

The Competition  *****Under Editing and Revision*****Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon