Neng, anu ba? Itulog mo nalang 'yan. Baka matauhan ka. Hindi ka naman gutom, nakakain naman kayo kanina ni Tof. Bakit parang nabaliw ka yata bigla?Ang kausap niya sa sarili niya habang hawak-hawak ang ulo niya at hinihila ang mga buhok niya na parang nababaliw na talaga siya. Hindi siya makatulog kaya may naisip siyang paraan para libangin ang sarili at para maantok.
"Gumawa nalang kaya ako nang Valentine's Card, peace offering ko para kay Tof sa hindi ko pagtanggap sa bigay niya noon?" bumangon siya sa kama niya at kinuha ang mga gamit niya. May mga cartolina naman siya, art papers at mga designs para igawa nang card. Ginupit niya ang white folder para magsilbing card nito at kung anu-ano pang design ang ginawa niya dito. Mga halos kalahating oras bago siya natapos. Sinulatan niya ito nang Peace Letter sa loob nang card. Nakangiti siya habang tinitigan ang ginawa niyang Valentine's card.
"Sana magustuhan niya 'to. Siguro naman hindi ako kakarmahin nito sa ginawa kokay Tof noon. Sana tanggapin niya. Hooh!" napabuga siya nang hangin. Dinalaw na siya nang antok kaya tinago na niya sa bag niya ang ginawa niya at pumunta na sa kama niya para matulog.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising at maagang pumunta nang eskwelahan. May pinagawa pala ang teacher nila sa kanya. Isa pala siya sa mag-aayos nang Movie booth as extra activity nila.
Pagkatapos mag-ayos ay nagpaalam muna siya sa mga kaklase niya para puntahan si Tof. Malapit nang mag-alas nwebe, tiningnan niya cellphone niya. May-text ito galing kay Tof na papunta na raw ito sa bench na tambayan nila.
Naglalakad na si Tof papuntang tambayan nila ni Neneng kung saan nila napagkasunduang magkita. Medyo kalayuan ang class room nila pero nakapag-text na naman siya kay Neneng na papunta na siya.
[Tof's POV]
"Sana naman tanggapin na ni Neneng ang ibibigay ko sa kanya ngayon.Kung hindi na naman niya tatanggapin, hindi ko pa rin siya tatantanan." Nakangiting kausap niya sa sarili. Malapit na siya sa tambayan nila nang may pamiyar na boses na tumawag sa kanya.
"Tof." Napalingon siya sa tumatawag sa kanya. Si Kathy pala. Tumigil siya nang paglalakad at hinihtay itong maabutan siya.
"Oh Kathy humihingal ka yata. Anung meron?" tanong niya dito habang humuhugot nang hininga si Kathy.
"Para sa'yo." May inabot itokay Tof, isang Valentine's Card. Tiningnan niya ito, nakangiti ito sa kanya. Nagtatanong ang mga mata niya dito.
"Para sa'kin? Bakit naman?" tanong niya dito pero hindi pa tinatanggap ang bigay ni Kathy sa kanya.
"Basta tanggapin mo na." Kinuha nito ang kamay niya at nilagay ang Card nito."Sana magustuhan mo." Pagkatapos 'nun ay tumalikod na ito at naglakad papalayo.
Nakatayo lang si Tof habang tinitingnan si Kathy papalayo. Ramdam niya noong unang araw nang klase pa lang na may gusto na si Kathy sa kanya pero binabaliwala niya lang 'yun dahil alam niyang kaibigan lang ang tingin niya dito. Lumakad na siya papuntang bench. Hinihintay niya si Nhizee. Mga halos kalahating oras na ay hindi pa rin dumadating si Neneng kaya napagdesisyunan niyang tawagan ito.
"Neng, sagutin mo naman oh. Kausap niya sa sarili niya. Ikalawang dial na niya pero hindi pa rin ito sumasagot. Maya-maya pa ay sumagot na rin to.
"Neng? 'Asan ka na? Kanina pa kasi ako naghihintay dito eh. Di ba may usapan tayong magkikita tayo ngayon sa tambayan?"
"Pasensya ka na." 'yun lang ang sinagot ni Neneng na nasa kabilang linya.
![](https://img.wattpad.com/cover/19976761-288-k871827.jpg)
BINABASA MO ANG
The Competition *****Under Editing and Revision*****
Novela JuvenilMatalino ka, matalino rin siya. May gusto siya sa'yo, pero kakompetinsya mo siya. Anu ba ang tanga mo, mahal ka nang tao oh pwede wag nalang kayong magtalo? Dalawang studyanteng nagkompetinsyahan at nagkagalitan pero hanggang iyon ang naging daan...