Mga ilang buwan na at naging close na close na sa isa't-isa si Neneng at Tof. Minsan kung may vacant time sila ay nagkikita sila sa bench at minsan naglilibrehan nang paborito nilang kwek-kwek. Halos araw-araw ay magkakasama silang dalawa, kaya't kung gabi at hindi masundo si Neneng nang ama niya ay hinahatid siya ni Tof. Inimbitahan ni Tof si Neneng sa sumunod na sabado na manuod nang sine. Since magkaibigan na sila ay pumayag naman ito. This is her second time na manuod nang sine and as usual ay siTof pa rin ang kasama niya.Noong naging sila ni Jude, hindi yata siya nakaranas na kasama ito sa sinehan. Ang totoo nga nyan ay naiilang siyang kasama si Jude dahil napilitan lang naman talaga siyang sagutin ito.Hindi na naman siya makaka-feel nang awkwardiness kung makakasama niya ulit si Tof dahil magkaibigan na naman sila.
Nagtext si Neneng dito na magkikita nalang sila sa mall gaya nang dati. Ngayon si Neneng na naman ang naunang dumating kaya naglibot-libot na muna siya. Napunta siya sa may mga libro at napadpad ang mga mata niya sa mga cards na naka-display doon.
"Naku, malapit na palang mag-valentines? Di ko man lang namalayan. Ang ganda naman nitong mga cards na'to. May magbibigay pa kaya sa'kin nito ngayon? Ang tanga ko talaga noon oh. Naalala ko tuloy nung binigyan ako ni Christof nito. Kaso hindi ko tinaggap kasi galit ako sa kanya noon. Paano naman kasi, sa lahat nalang yata nang bagay eh humaharang siya lalong-lalo na sa klase. Pero well, iba na ngayon dapat ko nang tanggapin na 'yun lang talaga ang kaya ko at mas better siya kesa sa'kin. Pero okay lang naman siguro kung nakikipag-kaibigan na ako sa kanya ngayon, mabait naman siya tsaka napaka-humble. Tsaka matalino, tsaka hmmmm... cute naman si Tof ah. Bakit ba hindi ko tinaggap ang card na bigay niya noon? Bakit hindi ko siya nagustuhan? Ay......."
"Neng."
"Ay, taong walang ulo!" bigla niyang nabitawan ang card na hinahawakan niya.
"Neneng, okay ka lang ba? Buti at nakita kita dito." Si Tof pala ang nagsasalita sa likod.
"Tof naman, binigla mo ako." Sabay kuha sa valentines card na nabitawan niya.
"Pasensya ka na Neng, tinext kasi kita na andito na ako kaso di ka naman nagrerepply. Mabuti at nakita kita dito."
"Sorry nasa bulsa ko kasi 'yung cellphone ko tsaka busy ako sa kaka-tingin nang mga display na cards at books dito." Maang na sabi niya habang binabalik ang card sa shelf.
"Ah tumitingin ka nang mga cards? Bakit may bibigyan ka ba nyan?" tanong niTof sa kanya habang tumitingin din sa mga display na cards.
"Naku wala naman. Napako lang tingin ko dito kanina habang nagpipili ako nang mga aklat. Ngayon ko lang naalala kasi na malapit nang mag-valentines day eh."
"Oo nga naman pero alam mo, mas maganda 'yung card na ginawa ko noon kasi pinaghirapan ko talaga 'yun tsaka ako lang talaga gumawa 'nun." Sabi ni Tof kay Neneng na ibig niyang sabihin ay ang card na 'di tinaggap ni Neneng noon.
"Ahh, ehh tara punta na tayo sa movie world? Baka maraming tao ngayon ah sabado kasi."Putol ni Neneng sa pinag-uusapan nila dahil alam niya kung saan papunta 'yun.
"Oo nga pala noh. Sige-sige Neng, ako na magbabayad nang tickets natin total ako naman nang-invite sa'yo eh."
"Oh sige sabi mo eh."
Umakyat na sila sa 2nd floor nang mall kung nasaan ang movie world. Medyo karamihan na ngang tao ang nagpila para kumuha nang ticket kaya pumila na rin sila para makakuha nang upuan. Pagkatapos kumuha nang tickets ay pumasok na sila't umupo. Hindi pa naman nag-uumpisa ang palabas kaya kinuha muna ni Tofang dala niyang merienda para kumain at makapag-usap pa sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/19976761-288-k871827.jpg)
BINABASA MO ANG
The Competition *****Under Editing and Revision*****
Teen FictionMatalino ka, matalino rin siya. May gusto siya sa'yo, pero kakompetinsya mo siya. Anu ba ang tanga mo, mahal ka nang tao oh pwede wag nalang kayong magtalo? Dalawang studyanteng nagkompetinsyahan at nagkagalitan pero hanggang iyon ang naging daan...