Pagkatapos nilang kumain ay inimbitahan ni Tof si Neneng na maglakad-lakad muna para kahit papaano ay malinisan sila sa kinain nila. Lumabas sila nang mall at naglakad papuntang boulevard, sa tabing dagat. Medyo maraming nag-dedate doon since parating na ang araw nang mga puso.
"Ang ganda nang gabi noh. Tsaka ang sarap magtambay dito. Nakaka-refresh sa utak." Salita ni Tof habang papaupo sila sa bench na nakaharap sa dagat. Nakikinig lang si Neneng habang papaupo rin ito."Neng syanga pala, Happy Valentines."Lumingon ito sa kanya.
"Oo nga pala noh. Happy Valentines too." Sagot ni Neneng at binaling ang mga mata sa ganda nang dagat.
"Naalala mo ba 'nung una tayong nagkakilala? 'Nung high school pa tayo?" seryoso ang pananalita ni Tof sa kanya habang nakatingin din ito sa madilim na kalangitan. Nabigla si Neneng sa kaseryosohan ni Tof.
"Syempre oo naalala ko pa. Last year pa nga lang 'yun eh." Tumawa nang pagak si Neneng pero nararamdaman niyang seryoso si Tof sa sinasabi niya.
"Tapos unang kita ko sa'yo 'nun, ikaw ang may pinaka-seryosong mukha na nakita ko." Napatawa si Tof. " Tapos sabi ko sa sarili ko, matalino ka at seryoso sa pag-aaral. Gusto ko makipag-kaibigan sa'yo 'nun kaso nga lang lagi mo akong sinusungitan, iniiwasan na para bang may dala akong kung anung virus na mahahawaan ka. Tapos akala mo nakikipag-kompetinsya ako sa'yo 'nun, pero alam mo ba na pareho lang tayo na gustong maging proud ang mga magulang natin sa'tin?"
"Tof," putol ni Neneng.
"Tapos di ko alam na sa pagsusungit mo pala sa'kin 'nun unti-unti na akong nagkakagusto sa'yo, hindi ko alam kungpaano at saan nagsimula. Siguro lumalim 'yung pagtingin ko sa'yo 'nun nung sa library tayo na kapwa tayong napagalitan dahil naapakan ko 'yung paa mo sa kakatanga ko o di kaya 'nung sa Valentines na tayo 'yung nagka-partner nang hearts."
"Teka, teka akala mo ba hindi ko alam?" baling ni Neneng sa kanya na tinuon ang hintuturo nito pero hindi niya alam kng anu ang mararamdaman sa mga sinasabi ni Tof. Feeling niya ay parang natutunaw na siya sa mga inaamin ni Tof sa kanya ngayon.
"Oo Neng, pinagpalit namin ni Stephen ang hearts kasi takot daw kasi siya sa'yo. Biruin mo, ang kaibigan kong maypagka-chickboy ay natatakot sa'yo? Kaya 'yun sabi niya sa'kin na hindi nalang daw niya hahanapin ang magiging kapartner niya kung ikaw nalang, kasi nga baka sapakin mo siya o kaya pagtarayan. Pagkatapos 'nun binulungan ko siya namagpalit nalang kami nang hearts kasi ako, hindi ako takot sa'yo. Hindi ako takot na makipag-kaibigan sa'yo kasi alam ko na may dahilan ka at may tinatagong kabaitan dyan sa puso mo. Tapos 'nung nanuod tayo nang sine at 'nung hindi mo tinaggap ang binigay ko sa'yong Valentines Card na pinaghirapan kong gawin 'nung gabi bago tayo manuod nang sine. Parang napahiya ako sa sarili ko noon. At biglaan nalaman ko nalang na may boy friend ka na pala, automatic noh? Hindi ko nga alam anung ginawa kong mali 'nun at kung bakit pinarusahan yata ako nang ganun? Biruin mo, first time kong ma-inlove pero basted at broken hearted agad." Sabi ni Tof na palinga-linga ang ulo niya habang natatawa nang pilit at yumuko. Nahalata ni Neneng na talagang nasaktan niya nga pala si Tof noon nang sobra dahil sa kagagahan niya.
"Tof," tawag ni Neneng na nakatingin sa kanya. 'Yung lang ang nabigkas niya kasi alam niyang nasaktan niya si Tof noon. Sa mga pag-amin nito sa kanya ngayon sa tabi niya. Speechless na siya at nanatiling nakayuko lang habang nakikinig sa mga sinasabi ni Christof.

BINABASA MO ANG
The Competition *****Under Editing and Revision*****
Teen FictionMatalino ka, matalino rin siya. May gusto siya sa'yo, pero kakompetinsya mo siya. Anu ba ang tanga mo, mahal ka nang tao oh pwede wag nalang kayong magtalo? Dalawang studyanteng nagkompetinsyahan at nagkagalitan pero hanggang iyon ang naging daan...