Third Person's Pov:
Isa-isa silang naglakad papunta sa lugar na nasabi. Wala silang ideya kung bakit sila pinatawag ng matanda.
"Ano bang kailangan ng matandang yon?"tanong ni Brian.
Siya si Brian Hell at anak ng isa sa mga nakakataas na pinuno ng lugar nila. Madaming babae ang may gusto sa kaniya sa lugar nila. Gustong gusto niya naman na hinahabol siya ng mga babae at nagpapansin yung mga babae sa kaniya."Shut up."sabi ni Kyle.
Siya naman si Kyle Tudor siya ang pinaka matured sa kanilang lahat at parang siya na din ang pinaka leader nila. Habulin din siya ng mga babae but he consider to read his books than to entertain girls. Anak din siya ng isa sa mga nakakataas.
"Ok...kumalma nga kayo."sabi naman ni Alex.
Siya si Alex Coastillion anak din ng nakakataas at siya din ang pinaka close kay Kyle. Lapitin din ng babae pero never pa siyang nag paiyak inshort gentleman siya.
Nang nasa harap na nila ng malaking pintuan na agad bumukas at bumungad sa kanila ang napakaraming kandila.
"Maupo kayo at may mahalaga tayong pag-uusapan."kalmadong sambit ng binata.
Patuloy pa rin ang pagpasok ng mga katanungan sa isipan nila na bakit nga ba sila naririto?Anong kailangan ng matandang ito?
"Tungkol ba ito sa--"
"Oo tungkol ito sa Eve, Cody."putol ng matanda sa sinabi ni Cody.
Alam na nilang pito ang tungkol sa Eve. Ang babae na mas magpapalakas sa kanila ang kaso nga lang hindi nila alam kung kagaya nila, werewolf o tao.Wala silang alam at mukhang ngayon lang nila malalaman kung ano ang hahanapin nila at kung paano nila ito hahanapin.
"Alam kong alam niyo na ang tungkol sa babaeng Eve pero hindi niyo alam kung tao ba siya o immortal. Kaya ko kayo pinapunta dito dahil kailangan niyo ng hanapin ang Eve bago pa makuha ito ng iba."sabi ng matanda.
"Sa mundo ng mga tao ba namin siya hahanapin?"sabi ni Nathan.
"Patapusin mo kaya siya magsalita diba?"sabi naman ni Brian kay Nathan.
"Nagtatanong lang naman ako ah tsaka huminto siya sa pagsasalita."sabi ni Nathan.
"Tama na nga yan magbabangayan na naman kayo eh."sabi naman ni Timothy.
Si Cody Archer ay isang cold na tao at laging may suot na headphone, gusto niya rin ng tahimik ang paligid niya at syempre matalino siya. Halos lapitin din siya ng mga babae pero ni-isang babae wala siyang pinansin o kinausap na tanging ang anim na lalaki lang na madalas niyang kasama ang kausap nito at kung kakausapin ito ng magulang o matatanda ay kakausapin din nito at kung minsan tipid pa. Anak din siya ng nakakataas.
Si Nathan Greene naman ay maloko pero mabait at gentleman. Lapitin ng babae at pinapansin niya ang mga ito at napaka friendly nito sa lahat. Anak din siya ng nakakataas kaya sikat din siya.
At si Timothy ang pinakabunso o pinakabata sa kanilang lahat. Lapitin ito ng babae dahil napakagwapo niya at anak siya ng nakakataas kaya sikat din ito. Matalino din si Timothy.
"Sa totoo lang... sa mundo ng mga tao niyo talaga siya hahanapin dahil doon siya namamalagi."sabi nito.
"Ano?Sa mundo ng mga tao?"gulat na tanong ni Theodore.
"Oo sa mundo ng mga tao. Hindi naman namin iyon ginusto at alam ko naman na kaya niyong kontrolin ang sarili niyo sa tuwing makakaamoy kayo ng dugo ng mga tao."sabi ng matanda.
BINABASA MO ANG
Finding Eve (O N G O I N G)
RandomSa mundong ito may bampira at taong lobo o sa english ay Vampire and Werewolf. May pitong lalaki na anak ng mahaharlikang namumuno sa bampira. Wala silang tinuturing na hari pero sila ay nakakataas sa ibang bampira. Until someone told them to find t...