Chapter 3:Plan

16 0 0
                                    

Theodore's Pov:

Sumakay kami sa sasakyan. Tatlong sasakyan ang dala namin.

Kasama ko sasakyan na ito ay si Timothy at Brian.

I wonder kung anong klaseng tao ang makakasalamuha namin doon.

Tumingin ako sa bintana dahil ngayon umaandar na ang sasakyan. Papunta na kami sa lagusan kaya ilang minuto lang ay napunta na kami sa isang daan kung saan walang katao tao.

"Sa laki at lawak dito paano natin makikita yung Eve?"tanong ni Brian.

Napa-isip naman ako. Oo nga naman sa isang city lang kami tapos may mga ibang lugar pa.

"Hindi naman sila baliw para ipadala tayo sa isang lugar na walang kasiguraduhan na wala dito ang Eve."sabi naman ni Tim.

Sabagay may punto din naman siya matatalino ang magulang namin at mga nakakataas pati na ang kanang kamay nila kaya sigurado naman na alam nila.

"Tsaka sabi ni hyung pagdating daw natin doon may pag-uusapan tayo tapos parang may pupuntahan yata tayo."sabi pa ni Tim.

"Ok lang sa akin kung maraming tao sa pupuntahan natin tutal kaya ko naman kontrolin sarili ko."sabi ko.

"Kung sabagay."sabi naman ni Brian.

Tumingin ako sa bintana at doon ko napagtanto na nasa matao na kaming lugar. Marami ng sasakyan at mga tao pati na rin ang mga tindahan, bahay at iba pang nakikita sa daan.

Pumasok kami sa isang subdivision na pribado tapos hindi ako nagkakamali na sa mansyon kami tutuloy.

Nang maihinto ang sasakyan sa tapat ng malaking pinto kung saan pinto iyon ng mansyon.

Lumabas kami at kinuha ang mga dala namin.

"Ang init naman dito."reklamo ni Nathan.

"Jacket pa."dinig kong sabi ni Cody.

Tumawa kami ni Brian. Nakita kong hinubad niya yung jacket.

"Hali na kayo at pumasok marami pa akong sasabihin sa inyong pito."sabi ni Siff kaya agad naman kaming pumasok."Sumunod kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa mga kwarto niyo at iba pang bahagi ng mansiyon."wika nito.

"Ikaw ba Siff matagal ka na bang nakapunta sa mundong 'to?"biglang tanong ni Alex.

Tumango siya."Matagal na simula noong tinuturuan pa ako."sagot nito.

Tumango ako. Kaya pala.

Sinimulan niya ituro ang bawat parte ng mansiyon at pangalanan ito hanggang sa dalhin niya kami sa itaas na bahagi kung saan nandito ang sampong kwarto at isang library na malawak pati na rin ang mga guest room.

Dito sa mansyon na ito mayroong garden tapos may pool pa. Sa totoo lang aabutin ka ng isang oras kung maglalakad ka palabas ng mansiyon na ito at kailangan talaga na sumakay ka para mapabilis. May mga fountains din dito.

~♡~
Eve's Pov:

"Oh mamaya mag ready ka sa fashion show."sabi ni manager sa akin at tanging tango lang isinagot ko.

"Sino ba ang makakasama ko?"tanong ko.

"Si Gwen, Ashley, Emma at Jade."sagot nito.

"Si Jade?"tanong ko at tumango naman siya.

Napabuntong hininga ako. Sana naman hindi niya ako guluhin pero imposible naman iyon dahil matagal na siyang insecure sakin o sabihin natin na matagal na siyang may galit sakin na hindi ko naman alam ang ginawa ko sa kaniya.

Finding Eve (O N  G O I N G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon