Chapter 7: Blood

6 0 0
                                    

Eve's Pov:

Nang nagkaroon ako ng malay unti-unti kong dinilat ang mata ko. Shit! Anong lugar to?

Nasaan ako?

Bumukas ang pinto at isang lalaki ang pumasok. Tauhan ba niya 'to?

Bakit masyadong gwapo?

"Stop staring at me." Ay masungit naman pala.

Pero seryoso! Kailangan kong makaalis sa lugar na ito! Letseng lalaki yon! Yung nanay ko...

Inalis ko yung kumot at akmang tatayo."Where do you think you're going?"

"Leaving this shit place."sagot ko.

Tumayo ako at humarap ng deretso sa kaniya. Akma niya akong hahawakan ngunit nagawa kong hawakan ang kamay niya at akmang iikot 'yon pero nabaliktad niya ang sitwasyon.

Fudge!

Ang mga kamay ko na ngayon ang hawak niya sa likuran ko.

"Nice."dinig kong sabi niya at ramdam kong nakangisi siya. Bigla niya akong binitiwan. "You're different."bigla niya namang sabi na ikinangisi ko.

"I know."sagot ko at tatakbo sana nang bumukas ang pinto at isang lalaki ang pumasok.

"Buti naman at gising ka na."nakangiti naman niyang sabi.

Teka nga? Naguguluhan ako. Tauhan pa ba sila nung hayop na 'yon.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Why do you care."

"Niligtas lang naman kita doon sa mga lalaking 'yon tapos tatarayan mo ko?"sabi nung lalaki.

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

He saved me?

"Sayang pagod ko tapos tatarayan mo lang ako?"reklamo niya pa.

Ibigsabihin hindi talaga siya tauhan non. Bigla akong nahiya sa inasal ko. I didn't know that someone saved me lalo na at ang unang pumasok yung masungit na kulay blue ang buhok.

"As if napagod ka."dinig kong sabi nung blue hair guy then he leave us alone.

"S-Sorry... I-I didn't know."sabi ko atsaka yumuko. Nakakahiya yung inasal ko."Thank you by the way."sabi ko pa.

"No problem."

Bigla kong naalala si mammy!"I-I need to go! Thank you again mister knight."mabilis akong lumabas  hindi na ako nagpaalam.

So now... hindi ko alam kung saan akong pupunta ngayon. Saan labasan dito? Maliligaw ako sa laki nito hindi ko manlang alam.

Sa paglalakad ko naramdaman kong kumalam ang sikmura ko.

Fvck! Nagugutom pa ko.

I heard him chuckled si Mr. Knight."Follow me. Ipapakilala ko yung mga lalaking kasama ko and sabihin mo sakin kung bakit ka nila sinusundan. Ok?"sabi niya pero nag-aalinlangan ako.

Ayokong may madamay lalo na't hindi ko pa siya kilala ng lubusan. Bigla niya pa akong niligtas baka may kailangan siya sakin. Sikat ako at maraming stalker.

Magtitiwala ba ako sa lalaking 'to?

"Trust me. Wala akong gagawin sayo and I just want to help you because I like you."sabi niya.

Speechless ako sa sinabi niya kaya sumunod nalang ako sa kaniya.

Pagpasok ko sa kitchen bumungad sakin ang anim na kalalakihan.

"Oh bakit namumula yang pisnge niya?"tanong nung brown yung buhok.

Napahawak ako sa pisnge ko."A-Ah--"

"May sakit ka ba?"tanong nung isang lalaki na black hair.

Bakit may mga itsura sila?Tss. Malamang lahat naman may itsura!

I heard mr. Knight chuckled."I know we're handsome but i'm more handsome."he whispered.

"Kapal naman ng mukha mo."wala sa sariling sabi ko na ikinatuwa nung mga lalaki na nakaupo sa dining area.

"Wala ka pala eh!"

"HAHAHAHAHA!" kaniya-kaniya silang tawa.

Nang tinignan ko si Mr. Knight halatang disappointed siya sa sinabi ko.

"Have a seat miss."sabi nung brown yung buhok na ipinaghila pa ako ng upuan kaya naman umupo na ako.

I don't even know kung bakit hindi pa ako umaalis sa lugar na 'to. I want to save my mother but how can I save her?

"Let's eat."nakangiting sabi nung isa pang black ang buhok na mukhang pinakabata sa kanilang lahat.

Medyo naiilang ako pero kumain pa din ako kasabay nila. Sinong di maiilang na puro lalaki yung kasama mong kumain diba?Tapos di mo pa alam kung anong mga pangalan nila.

"I'm Brian by the way."sabi ni Mr. Knight.

I just nodded then continue eating.

"I'm Theodore miss."sabi naman nung brown yung buhok.

"I'm Kyle."sabi nung black hair.

"Alex."sabi naman nung isang lalaki na naka puting t-shirt at nginitian ako.

"Nathan at your service!"sabi naman nung isa na mahaba yung chin pero gwapo.Nag wink pa siya after sabihin 'yon.

"Timothy."

Teka?siya yung weird na lalaki sa event ah?

"Cody."sabi naman nung blue hair.

Hindi na ako nakakain ng maayos at natuon nalang ang atensyon ko sa kanila. Ngayon ko lang napagtanto na ang iba dito ay nakasama ko sa show.

"Nasa event kayo?"tanong ko.

"Obviously."nakangiting sabi ni Alex.

Napatango nalang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o gagawin ko.

Kaya kumain nalang ako then after that tinulungan ko silang ligpitin yung pinagkainan. Medyo gumaan yung pakiramdam ko sa kanila.

Friendly ang ilan at ang iba ewan ko...parang not friendly lalo na yung blue hair.

Kami nalang nila Mr. Knight, Alex at Kyle ang nandito na nagliligpit. Parang nag-uusap sila gamit ang isip kasi ang tahimik tapos nagtitigan sila.

Sa hindi inaasahan ay nabagsak ko yung baso kaya nabasag ito. Agad kong inilapag sa lababo yung mga pinggan at dinampot yung nabasag.

"Kami na jan wag mo ng pulutin yan."sabi ni Alex.

"No. Ako na dito and i'm sorry."sabi ko.

Lumapit sa akin si Mr. Knight at pinigilan yung kamay ko but I insist. "Ako na bahala dito. Pasensya na kung naging clumsy ako."

Nang pinulot ko yung malaking bubog hindi ko sinasadyang masugatan yung hintuturo ko kaya agad kong nabitawan yung bubog.

"Sh*t!"dinig kong sabi ni Alex.

Pinadugo ko yung hintuturo ko. Hindi naman siya masakit.

Nagulat ako nung pagtingala ko ay parang hindi sila makakilos. Yung kulay ng mata nila ay naging golden brown na kanina lang ay brown yung mata nila.

Namamalikmata lang ba ako?

Sinipsip ko agad yung dugo sa kamay ko tapos dumiretso sa lababo para hugasan yung kamay ko.

Nang tumingin ako sa kanila may mga ginagawa na sila tapos lumapit si mr. Knight sakin. Inabot niya sakin yung band aid.

"Di ko na 'to kailangan."sabi ko pero di siya nagsalita at nilagyan niya ng bandaid yung daliri ko.

"Huwag mong hahayaan na masugatan ka baka hindi kami makapagpigil."makahulugang sabi ni Mr. Knight. "And just call me Brian."sabi niya then iniwan niya ko.

What was that?

**♡**
End of chapter 7

Sorry sa typo.

Finding Eve (O N  G O I N G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon