Chapter 4: Page

9 0 0
                                    

Kyle's Pov:

Hindi ko alam kung posible ito pero wala namang mawawala kung gagawin namin yung naisip ko.

Hawak ko ang libro habang papunta kami sa silid ko.Nang makapasok kami ay nagkaniya-kaniya na sila ng pwesto dito sa loob.

"Ano bang balak mo?"tanong ni Brian.

Ibinagsak ko yung libro sa kama. Madilim dito sa silid ko at tanging ilaw lang ang nagbibigay liwanag dahil hinarangan ko na kanina yung mga kurtina kasi nasisilaw ako sa sinag ng araw.

"Dito kayo sa kama."utos ko kaya ngayon nakapaikot na kami sa libro."Ipatong niyo yung mga kamay niyo."utos ko.

"Are you serious?"tanong ni Nathan.

"Just trust him Nathan."sabi naman ni Alex.

Una akong pumatong at kasunod ko si Alex hanggang sa ang sumunod si Cody.

"Paano kapag ka kinuha tayo ng libro...yung bigla tayong higupinnnn!!"sabi ni Brian na over reacting na naman.

Ayan nakatikim na naman siya ng batok kay Theodore."Kakanood mo ng fantasy yan Brian."sabi nito.

"Eh totoo naman eh."sabi ni Brian at halatang inis na siya.

Sunod na pumatong ay si Nathan."Sige bobohan pa natin Brian."sabi nito at akmang babatukan si Brian pero nakaiwas ito.

"Oo na nga eto na oh!"sabi niya at pinatong ang kamay noon din ang ginawa nila Theo at Tim."Oh tapos--"

Biglang lumiwanag yung libro. Hindi nakakasilaw yung liwanag at dahan dahan siyang umangat kaya naalis namin ang mga kamay namin at nakatingin nalang kami ngayon sa libro.

"Cool."mahinang sabi ni Brian.

Bumukas ang libro matapos ang ilang sandali ay bumalik ito sa dati. Nawala ang liwanag at sumarado ang libro.

Ilang segundo kaming napatulala sa nangyari dahil hindi talaga kami makapaniwala sa nakita namin akala ko hindi nangyayari ang ganoong bagay, na sa fantasy mo lang makikita.

"Should we open this book?" tanong ni Cody kaya tumango ako at binuksan ito.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

May sulat na yung libro!

"O-kay this is really cool!"sabi ni Nathan.

"Kyle...ikaw na ang bumasa nito."sabi sakin ni Alex sabay kuha ng libro at bigay sakin.

"Can't wait to hear it..."dinig kong sabi ni Tim.

"Hindi na tayo mahihirapan pa sa paghahanap."dinig kong sabi ni Theo.

I open the book then this is what I saw.

*Blood tinted*

^*^

Kung mabasa mo ito, ibig lamang sabihin ay posibleng isa ka sa mga maswerteng bampira na maari mong maging kabiyak ang Eve.

Ang Eve ay isang babae at ang dugong nananalaytay sa kaniya ay mahiwaga, hindi lang mahiwaga dahil masarap rin ito. Sa sobrang sarap ay nanaisin mo na ubusin ito at wala ng itira pa hanggang sa mawalan siya ng hininga.

Kakaiba ang lasa ng kaniyang dugo at ito ang tipo na hindi natural dahil ito ay nag-iisa lang.

^*^

Binasa ko ito at lahat naman sila ay biglang nagka interes nasa unang bahagi pa lang kami ng pahina.

Inilipat ko ito sa sumunod na pahina.

Finding Eve (O N  G O I N G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon