Cody's Pov:
Narinig ko yung pinag-usapan nila Alex at Kyle kanina. What if siya nga yung Eve?
Nagdadalawang isip pa din ako kung gagawin ko 'yon o hindi. Tao lang naman siya eh.
Nakatayo ako sa harap ng pinto kung nasaan yung babae.
Hindi na ako kumatok pa at pumasok na. Wala siya at mukhang nasa banyo nagpapalit. Naglakad ako papunta sa may kama.
Tama ba 'tong ginagawa ko?
Hindi pa ako nagtatagal ay lumabas na siya. Suot ang binili ni Brian sa kaniya. Short and shirt.
Nagulat siya ng makita niya ako na nandito."A-Anong ginagawa mo dito?"takang tanong niya.
"I want to clarify something."
Lumapit ako sa kaniya na ikinaatras niya. "B-Bakit ka l-lumalapit!" natatakot siya ramdam ko 'yon.
Nakapasok kami sa loob ng banyo. Hinawakan ko siya sa braso at marahas na pinagpalit ang pwesto namin. Nakasandal na siya sa pintuan kaya ni-lock ko.
She pressed her lips together. "La-Layuan mo ko..."mahina niyang sabi.
Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya kaya napapikit siya.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Parang ayoko ng ituloy.
Hinawi ko ang buhok na humaharang sa leeg niya. Napatingin ako sa leeg niyang walang kahit na anong marka.
Mukhang ako pa ang makakauna ah.
Nakita kong napapalunok siya.
"A-Anong... b-balak mo..."utal-utal niyang sabi.
Nilabas ko na ang mga pangil ko at marahang iginilid ang kaniyang ulo para makagat ang leeg niya at masipsip ko ang dugo niya.
"A-Ah!"daing niya.
Shit! Ang sarap ng dugo niya.
"T-Tama n-na..."sabi niya pero di ako nakinig.
Parang nawawala ako sa sarili ko sa sobrang sarap ng dugo niya.
"S-Stop!"bigla niya akong tinulak at hindi ko alam kung paano siya nakakuha ng lakas para mapaurong ako. Nanlaki ang mata niya. "I-Isa kang bampira?!"gulat niyang sabi.
Ngumisi ako at dinilaan yung labi ko at pinunasan ang dugo na nasa gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki. Inilapit ko sa labi ko at dinilaan ito sa harap niya.
Hinawakan niya yung leeg niya na tumutulo pa din yung dugo.
"You're different."sabi ko. "I think it's you."dugtong ko pa.
Dalawang magkasunod na malalakas na katok ang narinig ko.
"Anong nangyayari jan sa loob?!"dinig kong sigaw ni Brian."Open this god-damned door!!"sigaw niya.
"Don't open the door."babala ko.
Hindi siya agad nakakilos pero bago ko pa siya mapigilan nabuksan na ang pinto.
"WHAT THE HELL--"
~♡~
Eve's Pov:Nanghihina ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Buti nalang at nabuksan ko ang pinto.
Nang makapasok siya ay nagulat siya sa nakita."WHAT THE HELL--"
Di ko alam pero nakita kong nag-iba ang kulay ng mata niya sa brown ay naging golden brown.
Nanaginip lang ba ako?
Napasandal ako sa pader at dahan-dahang napadausdos at napaupo ako.
"Cody! Anong ginawa mo!"
BINABASA MO ANG
Finding Eve (O N G O I N G)
RandomSa mundong ito may bampira at taong lobo o sa english ay Vampire and Werewolf. May pitong lalaki na anak ng mahaharlikang namumuno sa bampira. Wala silang tinuturing na hari pero sila ay nakakataas sa ibang bampira. Until someone told them to find t...