Charlyn's POV
"CCCCCJJJJ! GUMISING KA NA ABA!"
Ih ayaw ko pa! Ang aga aga nangiistorbo.
Hindi ko nalang pinansin. Matutulog na sana ulit ako kaso biglang...
"CHAAAAAAAA! WAKE UP UGLY DUCKLING!"
Bumangon ako ng nakapikit at nahiga ulit ako.
"PUSANGINA NAMAN OH! KITA NG NATUTULOG PA YUNG TAO EH!"
Nagtalukbong nalang ako ulit ng kumot. Who cares!
"ABA! GIRLS?!" Mukhang mga demonyong naghagikgikan
"AHAHAHAHAH-TAM-AHAHAHAHAHAHA OO-N-HAHAHAHAHAHAHA! YOYONGHI NAE YUSEYO! (Tumahimik kayo)!" pagsigaw ko sakanila. Lintek naman kasi umagang umaga mangingiliti ang ingay ingay pa!
Ako nga yung kinikiliti e, tapos sila ang maingay. Babo! (Stupid)
"Oops! Galit na yan. Nagsalita na ng alien words." Lexie
"Hahahahahahahahaha!" Sabay sabay pa silang tumawa. Badtrip!
"Kayo tigilan niyo ko ha! Bakit ba kasi kayo nandito?! Panira ng umaga yang mga mukha niyo aba!"
"Duhh! MS. CHARLYN JOYCE ORTIZ VERGARA. FOR YOUR INFORMATION, WE HAVE CLASSES TODAY." Stacy
Grabe naman to makasigaw! Kulang nalang siya na ang pumalit sa mga speaker.
"Ano ka ba? Bagong silang o tanga lang? Its our 3rd week in school! Now you forgot it AGAIN." Chelsea
Isa pa to! Nung isang linggo lang naman yun eh, again agad!
"Ang hard niyo naman sakin! Pero kung hindi niyo sana ako pinapaligiran na parang may sala ako sainyo edi sana nakaligo na ako at nasa baba na tayo ngayon?!" Tuloy-tuloy kong sabi.
"You should now go to your comfort room, and please! Make it faster or else, we're going to leave you!" Stacy
Tumakbo na ko papuntang cr. Iba kasi magalit yung demonyitang yon e! STACY KIM ALCANTARA ba naman.
Yung mga baliw na yun, sila ang mga kaibigan ko. Simula nung nasa loob pa kami ng tyan ng nanay namin, ay hindi. Noong ginagawa pa lang kami ng mga magulang namin. *Bad Cj!*
Syempre joke lang yon! Pero seryoso, si STACY KIM ALCANTARA. May masabi lang gagawin nya na agad, masungit, laging nambabara, minsan nga matatawa ka na maiinis sa pambabara nya eh.
si LEXIE JANE FUENTES, ang tahimik samin lalo na kapag galit. Minsan lang yan magsalita. Ang weird nga niyan eh, minsan tahimik tapos biglang dadaldal. Tulad kanina, nagtataka nga ako kung talent nya yun oh mabaho lang hininga niya kaya hindi siya nagsasalita! HAHAHAHAHA.
Si CHELSEA EVANGELISTA naman, ang lokaret sa aming apat. Madaldal yan pero mas madaldal ako dyan. Bruha kaming tawagin kasi dun lang kami nagkakasundo. Hihi!
At ako naman si CHARLYN JOYCE VERG--
"CHARLYN JOYCE! WHAT THE F*CK ARE YOU DOING, HA?! TUMATAE KA BA O DYAN KANA TITIRA?" Stacy
"Wait lang okay? Wag highblood! Kaya lalo kang pumapangit e."
Dinalian ko na ang pag bibihis at paglabas ko....
CHARAN!
Mukang busy sila. Nakita kong hawak lang naman nila ang cellphone ko at may pinagtatawanan pa!

BINABASA MO ANG
BEHIND THE SECRETS
RomancePaano nalang kung ang mga sikretong tinatago saiyo, ang magpapaluha o magapapasaya sayo. Itatago mo nalang ba ang sikretong ito habang buhay? ~ Ngayon ita-try kong makatapos ng isang story. Para sainyo. :) - niccsotic.