Chelsea's POV
"Uy ano na! Napapagod na ko." Grabe kanina pa kami lakad ng lakad sa kalsada pero wala pa rin kaming napapasukan na shop.
"Teka lang! Wag kang atat!" Sabi ni Stacy. Anong wag atat?! Eh ang sakit na ng paa ko.
"Ang sakit kaya sa paa! Di niyo naman kasi sinabi na magwi-window shopping lang tayo sa gilid ng mga hotel edi sana nakapag-tsinelas nalang ako." Bakit ba kasi naisipan ko pang mag doll shoes, magkakapaltos pa tuloy ako tangina.
"Bakit? Sino ba kasi nagsabing magdoll shoes ka? Kung hindi ka lang shunga e."
"Hindi ako shunga!"
"Kung masakit na paa mo, uwi ka nalang."
"ARAY!" Binatukan ko nga! Ang layo layo eh tapos papauwiin niya ko.
"Ano ba kayong dalawa? Kanina pa kayo ha! Nakakarindi na sa tenga."
Eto isa pa tong lalaking to! Kararating lang galing Paris ang cheap cheap! Hindi manlang sa mall nagpunta.
"Wag ka ngang sumigaw, ano ka bakla?!" Sigaw ko rin sakanya. Putulin ko dila niya e.
"Charlyn oh! Pagsabihan mo nga yan!"
Tumingin naman samin si Charlyn at pinandilatan kami ng mata with "wag kayong magulo baka hindi pa tayo malibre!" look.
"E ang cheap cheap na nga paano pa tayo malilibre! Edi sana dun nalang tayo sa bahay at kinalkal ang mga pasalubong niya."
Pumasok sila sa isang shop, pang girls! At kami ni Stacy nasa likod lang. Hay sa wakas! Nakapasok rin kami.
"Dalian niyo ha! Antayin ko nalang kayo." Sabi niya at umupo malapit sa fitting room. Grabe ang ganda ng taste niya na shop ah kahit lalaki siya. Petty shop? Parang pang hayop. Hahahahaha! Pero magaganda damit.
"Uy, cha! Ano tingin mo? Eto o eto?" Sabay taas ng dress na black na ekis ang likod at isang simple dress na yellow.
"Sukat mo nalang!"
"Wait, titingin pa ko e."
"Chels, ano ba maganda? Tong muscle tee o shirts?" Tanong ni Stacy
"Kung ano ang bagay sayo, yun piliin mo." Sabi ko. Eh malay mo piliin ko yung muscle tee, di niya magustuhan! Sino sisisihin nya, edi ako!
(A: Bakit ba ganto tayong mga girls? Hahahahaha!)
"Oy ano? Nakapili na kayo?" Buti pa tong si Charlyn, nakapili na! Ako sampung damit na ata tong bitbit ko di pa rin ako makapili.
"Oo, tapos na ko." Sabi ni Stacy.
"Oh ikaw Chels? Tapos ka na mamili? Punta na kami sa fitting room?"
"Ugh, wait lang! Last na talaga to." Dadamputin ko na sana yung isang dress na kanina ko pa nagugustuhan kunin kaso biglang may humawak.
"Hey that's mine!" Shit! Ang hirap makipaghilahan ha! May bitbit pa kong damit sa kabila kong braso.
"Ako ang nauna eh! Tsaka hindi mo pa nabibili no, mine mine ka dyan! Akin na nga to!" Grabe! Ayaw patinag.
"Look! Ayokong magskandalo dito, nakakahiya!" Inangat ko ang ulo ko at taas noo ko siyang tiningnan tsaka ako tumingkayad.
"Bakit tingin mo ba makikipagsex ako dito?! Edi kahiya hiya naman ako nun. Tsaka ano ka bakla para bumili ng dress na 'to?! Magpakagentleman ka naman tol!" Pinagtitinginan na kami ng mga tao at pagtingin ko sa paligid wala yung dalawa! Mga walangya.

BINABASA MO ANG
BEHIND THE SECRETS
RomancePaano nalang kung ang mga sikretong tinatago saiyo, ang magpapaluha o magapapasaya sayo. Itatago mo nalang ba ang sikretong ito habang buhay? ~ Ngayon ita-try kong makatapos ng isang story. Para sainyo. :) - niccsotic.