BTS 2

92 29 6
                                    

Lexie's POV

Ayaw kong mag Point of View! Kaasar naman oh.

Pero sige na nga! Hahahaha!

And ayun, papasok na naman kami sa school. Boring talaga! Lalo na ngayon, mga baliw na ang kasama ko. Sobrang tahimik ngayon, lalo na si CJ. Nagsasalita pa siyang mag isa, tulad ngayon.

"Bakit? Ang gulo ng buhay ko."

"Simula nung dumating siya."

"Naguguluhan na ko."

"Ano ba dapat kong gawin."

Sarili niya lang kausap niya.

"Uhm, tingin niyo guys? Kailangan naba si CJ sa mental?" Stacy

Grabe talaga tong babaitang to.

"Oo nga eh! Ako ang nababaliw sa kanya, kanina pa yan salita ng salita." Chelsea

"Edi sumama ka sakanya!" Stacy

"Hala! Edi ako ang pinakamagandang baliw." Chelsea

"Baliw ka na nga." Sabat ko

"Aba! Sa wakas naman at nagsalita ka rin." Chelsea

Ang totoo naman kasi nyan, madaldal talaga ako. Pero simula lang talaga mangyari yung aksidenteng nangyari noon, tinikom ko na ang bibig ko.

"Andito na po tayo." Sabi ni manong.

Bumaba na kaming lahat pero hindi parin bumaba si Charlyn.

"Cj! Let's go!" Stacy

"H-ha?"

"Sabi niya bumaba ka na daw!" Chelsea

"Bakit?" Sabi niya.

"Ang slow mo tanga! Malamang may klase pa tayo!" Stacy

"Ah! Ganun ba? Pasensya na."

Bumaba na siya at pumunta na kami sa room.

Saktong biglang nag-ring

*KRINNNNNNNNG*

Naupo na kaming lahat at wala pa si Ma'am. Nasa likod na rin ang mga boys at walang ginagawa. Tiningnan ko silang apat at yung isa ay todo ngiti na nakakakilabot!

Tumingin ako sa pinto at papasok na sana si Ma'am

Nang biglang tumunog yung speaker at halatang may announcement na naman.

"EHEM! EHEM! Goodmorning all of the students in Anderson University. May I call Ms. Stacy Kim Alcantara, please go to the Dean's office. Again, Ms. Stacy Kim Alcantara please go to the Dean's office."

Napatingin kaming lahat kay Stacy at siya rin ay takang-taka.

"Ano daw? Ako?" Turo niya pa sa sarili niya.

"Malamang! Sino pa ba ang Stacy dito? Atsaka kala ko ba may tenga ka ha?" Sabi ni Chelsea. Magbabarahan na naman to, panigurado!

Bigla namang dinagukan ni Stacy si Chelsea

"ARAY KO HA!"

Tumunog ulit ang speaker

"STACY KIM ALCANTARA! Please go to the Dean's Office NOW!"

"Hala ka Stacy!" Chelsea

"Oo na! Pupunta na! Tangina naman kasi eh."

Nakita ko yung mga lalaki sa likod, tawa ng tawa. Pwera lang dun sa isa na tahimik na nakikinig ng music.

BEHIND THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon