BTS - 1.3

100 30 8
                                        

CJ's POV

Until now I can't sleep because of that.... That fuck*ng kiss! 1:45 am na, please naman. Pakisuntok nga ako para knock out agad! Nakakaasar kasi. Andaming nangyaring ngayong araw na parang ikamamatay ko na! Bakit ba kasi ang daldal daldal ko! Ayan tuloy napapala ko. Dapat ko na ba itikom bibig ko? Paano naman yun. Baka magaya ako kay Lexie. Baka maging bad breath ako. Baka mapipi naman ako at si Chelsea ang pumalit sa pwesto ng pagiging lokaret ko. Tapos.. Tapos si Mommy dumagdag pa! Kung bakit pa kasi siya pumayag!

ARGGGH! I DON'T KNOW WHAT TO DO! MABABALIW NA KO BECAUSE OF THAT JERK!

*Flashback*

Ngayon nasa harapan na kami ng sasakyan niya, at hindi ko na mapigilan

"ANO BA TALAGA GUSTO MONG MANGYARI? ANG SAKIT SAKIT NA NGA NG KATAWAN KO DAHIL SAYO KANINA TAPOS PALALALAIN MO PA! ANO BA TALAGA PROBLEMA MO SAK-----"

Pinasok niya ko sa sasakyan niya and He kissed my lips.

"To shut your mouth. Hahatid na kita."

Pagkatapos nun, umalis na kami sa school at habang nasa biyahe. Tahimik lang siya at SYEMPRE AKO! Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Kahit na smack lang yon ayun parin ang first kiss ko! Hindi na mababago! Ang virgin kong lips! Ngayon hindi na virgin! Ugggh! Gusto ko siyang ipakulong sa salang magnanakaw ng halik! Gusto ko siyang ipasalvage! Gusto ko siyang saktan at sampalin pero bakit hindi ko magawa! Ano ba tong nangyayari sak--

"HEY JOYCE!"

"Bakit hindi ko gawin?"

"Ano bang sinasabi mo dyan?!" Siya

"Ah ano wala!"

Hanggang ngayon pala nasa byahe parin kami. Magkatabi lang kami, at pinagpapawisan ako kahit may aircon sa harap ko.

"Saan kita ihahatid?"

"Sa bahay."

"Ts. You can go now!"

"What do you mean?"

"Bumaba ka na ng sasakyan ko."

"Bakit naman?!" E tanga ba to?

"Sabi mo sa bahay ka ihahatid. Oh there! There's a lot of house." Sabay turo pa. Manuno pa siya eh.

"Dalian mo nga! Tingnan mo oh! 7 na! Ginabi na 'ko."

"Are you stupid? Eh kung sinasabi mo na kaya kung saan ka nakatira!"

"Eh bakit ba kasi gusto mo malaman?!"

Hinampas niya yung manebela

"Thefox! Ano bang meron utak ka? Utak taho? Utak ipis? O utak isaw?!"

"Wala sa nabanggit."

"Pinapagana mo ba yang common sense mo ha? O baka hindi uso yan sayo?"

Ngayon ko lang narealize, ihahatid niya nga pala ako. Ano bayan! Tanga mo Charlyn, nakakahiya.

"Ituturo ko nalang sayo."

Then umandar ulit yung sasakyan.

"Ayan! Pasok ka dyan sa village na yan!"

"Are you sure?" Galit na yan.

Kanina pa kasi kami paikot ikot! Di ko kasi talaga kabisado yung bahay namin eh. Huehue

"Oo naman!"

BEHIND THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon