HARRIET
Andito ako ngayon sa sala at nanunuod ng Tv.
" gising ka parin?" Napalingon ako kay boss na naupo din sa dulo ng sofa na iniuupoan ko.
" ah boss, manunood ka ba ng movie gusto mo ilipat ko?" Tanong ko sa kanya, ang alam ko kasi di naman mahilig manuod ang mga lalaki sa mga ganito eh.
" no ok lang" sabi nya.
" sure ka?" Paniniguro ko kasi baka napipilitan lang sya eh.
" yes" siryusong sabi nya. At nakatingin lang sya dun sa tv, and since sabi nya ok lang daw di na ko nagpumilit, kinikilig talaga at tawang tawa talaga ko sa dalawang to hahaha, ang ganda ng kwento. Napalingon ako kay boss na nakatingin sa tv. Hindi ko alam kung natatawa din ba sya sa pinapanuod nya. Nakatakip kasi yung kamay nya sa bibig nya.
" what?" Tanong nya ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya.
" ah, wala naman haha, gusto lang sana itanong kung nageenjoy ka rin ba sa pinapanuod mo" sabi ko.
" at first hindi, pero mukhang nakuha ng story nila ang atensyon ko." Sabi nya. Mabuti na lang kung ganun. Bumalik na ko sa panunuod ng biglang tumindig yung balahibo ko, pano kasi yung scene..parang mag hahalikan sila, kasi malapit na sa ending tong pinapanuod namin eh.
Ano? Ililipat ko na ba? Pero parang ang bastos ko kung gagawin ko yun hindi lang ako yung nanunuod dito.
" wahh!" tinakpan ko yung mata ko ng makita kong nagaano sila... nag ano sila..censored. Kinapa ko agad yung remote sa tabi ko ililipat ko sana yung channel kaso paghawak ko dun sa remote sakto din yung kamay ni boss nakapatong sa kamay ko. Nagkatinginan kaming dalawa.
Oh my God! Oh my God! Anong gagawin ko.? Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung pano magrereact. hihigitin ko sana yung kamay ko pero hindi nya to binitawan at lumapit sya sakin ng bahagya.
" Har" napapikit ako ng iniangat nya yung kamay nya, anong gagawin nya? naramdaman kong parang may ginagawa sya sa buhok ko.
" look" sabi nya kaya napatingin naman ako. At pagtingin ko sa kamay nya nakita kong may hawak syang maliit na nilalang na may madaming paa, hindi ko alam kong anong tawag pero nakakadiri syang tignan.
" waaaaahh!!!! Boss Ilayo mo yan sakiiinnn!!!!" Napayakap ako sa kanya, yung tipong di ako mapakali yung parang batang nag wawala. Sa takot sa bagay na yun. Ayawa ko talagang nakakakita ng ganun takot ako sa mga ganung klaseng bagay.
"oi teka! teka! Sandali binitawan ko...waaaahh!!!"
BLAG!! Nahulog kami sa sahig. at pareho kaming gulat na gulat sa nangyari. Hindi lang kami basta nahulog, nagdampi Yung lips namin.
Oh my God! Author bakit lagi mo na lang tong ginagawa sa amin!? Gustong gusto mo talaga yung ganitong scene. -_-
(An: hahahah lol!)
Kaninong heartbeat ba tong naririnig ko, saakin ba? Sa kanya ba? Hindi ko na alam kung kanino, ang alam ko lang ang lakas ng pintig ng puso ko at feeling ko naririnig nya na to. umayos na kami ng upo.
" sorry" sabay naming sabi. pagkatapos nun, ilang oras din kaming nanahimik, ang awkward.. Hindi ko alam kung pano ko sya kakausapin, pero.. Hindi naman to yung first time na nangyari to. Still di ako sanay, nakakahiya. And speaking of kiss. Meron syang utang sakin. Sa tingin ko ito na yung best chance para itanong sa kanya ang bagay na yun, ang kaso paano ko sya tatanungin sa bagay na yun.? Pero kasi gusto ko na talagang malaman kung para saan ba yung kiss na yun.
" boss?" Tawag ko sa kanya.
" yeah"
" pwede magtanong?" Ang lakas ng pintig ng puso ko pero bahala na, now or never.
" yeah sure go ahead" sabi nya. Napahawak ako sa laylayan ng damit ko. Para dun kumuha ng lakas ng loob.
" last time, d-di ba, h-hinalikan mo ko, para saan yun?" yun natanong ko na, sana kayanin ko ang isasagot nya. Matagal bago sya sumagot kaya nagsalita na ulit ako.
" ah ok lang kung ayaw mong sagutin" sabi ko.
" Im sorry about that, its was an impulse move" sabi nya. Saka sya biglang tumayo.
" wag kang masyadong mag pupuyat." Sabi nya at saka naglakad paakyat ng hagdan.
Impulse move? Nakuha ko na yung sagot sa tanong ko, pero bakit.. Bakit parang hindi ako masaya..?may ibang bagay ba kong ini expect sa kanya?
" haaaay"
"thats a deep one" napalingon ako kay Anne, nandito kami ngayon sa Cafeteria. Wala kasi kaming Teacher still wala parin kasing Substitute sa fil teacher namin.
" pasensya na" sabi ko.
" bakit ba parang down na down ka today? May problema?" Sabi nya. Well wala naman talagang problema, kaso parang depress ako ewan ko kung bakit di ko rin maintindihan sarili ko.
" tungkol ba to sa boss mo?" Biglang sabi nya, na ikinagulat ko.. Tungkol nga ba sa kanya?
" well base sa reaksyon mo, mukhang oo, ano bang nangyari?" Sabi nya. Ano bang nangyari samin ni boss? Wala namang nangyari, di ko alam kung saan ako nadedepress eh.
" humm, Anne natural lang ba sa babae ang madepress ng walang dahilan?" bigla kong naitanong kay Anne, kumunot yung noo nya.
" pano ka madedepress kung wala naman palang dahilan?" Sabi nya, right pano nga ba? Nababaliw na siguro ako.
" alam mo, wala akong alam sa pinag dadaanan mo, pero kaibigan mo ko di ba? Pwede mong sabihin sa akin yang nararamdaman mo baka sakaling matulungan kita dyan sa problema mo, at saka alam mo, yang itsura mo itsura ng babaeng depress sa lovelife" sabi nya.
" eh?" Clueless ako sa sinasabi nya.
" Oh common, ano bang iniisip mo?sabihin mo na alam mo bang nakakabaliw yan." sabi nya. Guess kailangan kong ilabas to.
" pano mo ba malalaman kung inlove ka sa tao?" Sabi ko, marami kasi akong di maintindihan.
" humm, so problemado ka nga sa love life, maraming paraan kung paano mo malalaman na inlove ka, una pag nakikita mo sya, parang buong buo ang araw mo, masaya ka kapag nandyan sya, malungkot pag hindi mo sya nakikita, ramdam mong nagpapawis ang kamay mo pag malapit sya at bumibilis ang tibok ng puso mo, pag may mga bagay sya ginagawang malayo sa expectation mo, yung parang magugulat ka na lang kasi unexpected. Nagseselos ka din pag kita mong may kasama kang iba, Ganun. Higit sa lahat habang sinasabi ko to sayo.. May taong tumatakbo sa utak mo"
EeeEhk!! Totoo bang sinasabi nya? Kasi habang nagsasalita sya iisang tao lang ang nasa isip ko at walang iba kundi si boss lang..nagbibiro ba sya?
" namumula, iniisip mo sya no?" Sabi ni Ann. Na parang nanunukso pa.
" s-sino namang iniisip ko?" Pag tanggi ko.
" ah, di mo ko maluluko, Inlove ka sa boss mo, at wag mong ikakaila dahil hindi yan ang sinsabi ng reaksyon mo" sabi nya.
Ako... Inlove kay boss? Well totoo lahat ng sinabi nya, pag nakikita ko si boss, masaya ako, namamawis din ang kamay ko pag malapit sya at bumibilis ang tibok ng heartbeat ko pag may mga bagay syang ginagawang un expected, although di ko pa nararamdaman yung feeling na malungkot na wala sya at yung feeling ng magselos. Inlove nga ba talaga ko sa kanya.?
" Har, I know mahirap I admit ang bagay na yan, lalo na pag first time mong mainlove, pero soon marerealise mo din ang sinasabi ko.yang depresyon mong yan isa lang yan sa sign na Inlove ka." Sabi nya.
"yeah, thanks for love Advice Anne"
So kaya ba ko naiinis kasi yung kiss na ginawa nya, walang special meaning? Walang feelings? Kaya ba ko nadedepress kasi ganun? At kaya ako nag kakaganito dahil Inlove ako sa kanya?. Inlove ako kay boss and sa tingin ko totoo yun.. Dahil sa ngayon nakatingin ako kay boss na may kasamang babae, mula dito sa malayo, nakakaramdam ako ng kakaibang feelings, ito ba yung feeling ng selos?
👉👉👉Pls. Dont forget to Vote and Comment. Thanks! 😘😘👈👈👈
BINABASA MO ANG
THE MASTER AND THE SERVANT (Completed)
RomanceDahil sa hirap ng buhay naging desperado si Harriet na mamasokan bilang kasambahay sa isang mayamang lalaking may pagka bipolar ang ugali kahit hirap syang makitungo ay pinilit nya itong pakisamahan upang mabuhay, ngunit habang tumatagal siyang nani...