26

1.4K 50 8
                                    

HARRIET

" oy Har..alam mo ba yung balita kay Loisa at kay Ronnie?" Tanong Ann sa akin habang kumakain kami dito sa caft. Lunchtime na kasi.

" huh, di eh? Bakit, anong meron sa kanila?" Tanong ko naman.

" ang swerte ng Loisa na yun, alam mo bang mutuals ang feeling nila ni Ronnie, nag confess na kasi si Loisa nung Sunday..and you know.. May feelings din pala sa kanya si Ronnie so ayun.. Mag on na sila ngayon" sabi ni Ann.Wow, akalain mo yun? Buti naman at may patutunguan na ang feelings ni Loisa.

" hahaha, bihira lang akong makarinig ng ganyang kwento, buti na lang at maganda ang resulta." Sabi ko. Thats true..medyo maitsura kasi yung si Ronnie eh, marami ding nag kakagusto dun and I never expect na May feelings din sya kay Loisa isang simpleng babae.

" well, well. Speaking of confession. Ikaw ba may balak na magconfess sa boss mo about your feelings?" Sabi nya. Napatingin ako sa kanya at yung itsura nya parang nangaasar.

" huh..di ko alam kung kakayanin ko.. Nakakatakot" sabi ko.

" huh? Anong nakakatakot? Excuse me di ka naman ata mamatay pag umamin ka sa kanya no" sabi nya.

" eh, di nga pero nakakatakot ang magiging outcome. Pano kung magalit sya, pano kung iwasan nya ko, paano kung palayasin nya ko sa bahay dahil dun? Di ko alam kung saan ako pupulutin pagkatapos" sabi ko iniimagine ko pa nga lang na magiging ganun ang outcome nanginginig na ko sa takot eh, lalo na ngayon na may mood swing sya dahil dun  sa kaibigan nyang di ko alam kung anong ginawa sa kanya at nagkakaganun sya.

" hay naku Harriet, paano mo malalaman kung di mo susubukan?saka parang ang O.A naman ng imagination mo. Oh sige pag pinalayas ka nya di dun ka na lang sa amin, Im sure di tatanggi sayo si Mama, alam mo naman kung gano ka kagusto ni Mama di ba? solve na ang problem mo kung yun ang inaalala mo" sabi nya. Ah right oo nga pala, sa sobrang bait ng mama ni Ann halos gusto na kong apunin, simula nung maikwento ko sa kanila ang istorya ng buhay ko nung nag tatrabaho ako sa kanila ng part time job.

" pero kasi kahit na,.. Natatakot parin ako..alam mo kasi lately pabago bago ang mood swing nya.Baka mamaya makadagdag lang ako sa init ng ulo nya. saka ayaw kong magbago sya sa akin" sabi ko.. Ayaw ko kasing mapunta sa wala ang lahat.. Marami kasi akong napapanuod na love story sa TV na after mG confess nung babae iniiwan sila bigla nung lalaki at pagkatapos mauuwi sa walang pansinan ang lahat..saka One time na rin akong nareject nun nung grade six ako.. Nakakaheart broken kaya.

" Har.. Wag kang matakot..pano pala kung yung maging outcome maganda pano kung mutual din pala ang feelings nyo? Pano pala kung gusto ka rin nya? hahayaan mo na lang ba ang lahat? alam mo sa totoo lang feeling ko special ka din sa kanya eh. Isipin mo na lang, yung mga nagawa nya sayo..meron bang boss na itataya ang buhay para iligtas ka sa mga kidnapper? Meron bang boss na halos sumugod sa kawalan para hanapin ka? Basta isipin mo yung mga bagay na nagawa nya para sayo,  nagpapakita yun ng affection, it means na may something na di mo alam. maybe di lang sya nagsasalita kasi pareho kayo ng iniisip. Why not try..ikaw na ang gumawa ng paraan."

Ang haba ng sinabi nya pero lahat ng yun tumatak sa isip ko at naintindihan ko ang ibig nyang sabihin. Right di ko malalaman kung di ko susubukan.

" ok, sige susubukan kong mag confess sa kanya this week.." Sabi ko. Di ko marerealize ang lahat kung di ako pinush ni Ann.

" dont worry, pag nireject ka nya..andito lang ako para damayan ka. At gagawa tayo ng revenge para sa feelings mong sinaktan nya. Im with you girl" sabi nya.

" yes, thanks Ann." Sabi ko.

" basta pag aamin ka, dapat nasa good mood sya, para naman maganda ng atmosphere" sabi nya.

THE MASTER AND THE SERVANT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon